The Moves 2 (oso)

1.3K 28 14
                                    

VIC'S POV

Kinakabahan ako sa gagawin naming song number ni Eli pero mas nanaig saken ang makaisip ng paraan para magawa ko ang aking mga ninja moves.. Mehehe.. Nasa ayos na din ang tune ng mixer at mic para hindi mahalata ng bullies na boses ko to at ako to. Hindi pa ito ang time para malaman nila.. May mga gusto muna akong patunayan sa sarili ko at sa mga pangyayari...

Nagsimula kaming kumanta ni Eli, nakatingin lang ako sa napakagandang prinsesa habang kumakanta. Bawat linya na binibigkas ng aking labi ay alay ko sa kanya. Kinuha ko ang sibat na may nakakabit na sulat, ginawa ko to kanina matapos naming magusap ni Manong Aliyo, kala nya ha... Hahaha..

Inihagis ko to sa harapan nya at tinayak kong swak yun sa cake nya..haha.. Ah di nga ako nagkamali, halata sa kanya ang pagkaasar lalo na't inaasar sya ng bullies, ng nagtapon ito ng tingin saken ayun inirapan ako.. Hahaha.. Ang cute cute nya talaga. Sarap halikan sa pisngi kung malapit ka lang talaga naku ka!! :-)

Matatapos na ang kanta pero parang hindi pa nya napansin na may sulat sa sibat.. At ayun napansin din! Nagangat ang tingin nito saken at ng magtama ang aming mga mata agad ko syang kinindatan, ayon ang lola nyo kahit malayo kita kong namumula sya..hahahaha..

"iba ka pa rin talaga Victonara" tsk tsk pagyayabang ko sa aking sarili..

Natapos ang kanta namin at ako eto ngingiti ngiti..hahaha.. Ang cute kase talaga ng prinsesa ko, halata na nahihiya sya lalo pa't tinutukso sya ng mga kaibigan namin. Inaya ko na si Eli matapos naming magvow.. Binuhat ko sya pababa at nagtungo kami sa lamesa kung nasan ang pamilya nya at si Manong Aliyo. Naiiling iling at nakangiting nakatingin si Manong saken. Tumabi ako sa kanya at tinapik ko ang balikat nya, bahagya kong ibinaba ang tabing sa aking mukha.

Vic: Ano Manong ayos po ba?? (taas baba ng kilay)

Aliyo: Hahahaha.. Nakakatawa kang bata ka, wala pa rin duwag ka pa din.. Tago pa rin yang pagmumukha mo! Haha

Vic: Manong, whatever po.. Nyenyenye.. Maghantay lang kayo.. :p (parang batang tugon nito sa pangaasar ng mas nakakatanda)

Patuloy lang ang pagaasaran namin ni Manong ng magsalita ang ina ni Eli.

Sally: Toru, nakita mo ba si Eli?

Vic: Ay hindi po Ate Sally, andyan lang po kanina sa tabi ko ah..

Sally: Kaya nga eh, tsk batang yun talaga.. Pede mo ba syang hanapin, may inaasikaso lang ako sa loob?

Vic: Oo naman po. OH Manong maiwan ko po muna kayo, hahanapin ko lang po ang baby ko.

Tumayo na ako at nagpalinga linga kung nasan ang batang si Eli..

Hanap
.
.
.
.
Hanap
.
.
.
.
.
Hanap
.
.
.
.
.
.
.
.

At ayun paktay na ang batang hinahanap ko nasa lamesa ng bullies.. Tsk tsk tsk...

Bahagya pa akong lumapit.. At naririnig ko ang kanilang usapan ng hindi nila namamalayang andito lang ako....

---

MIKA'S POV

Natapos na ang kanta ng bata at matandang ninja pero heto ako at ramdam kong namumula pa rin, nakayuko ako at pinipilit na maiayos ang sarili.. Nakakainis talaga yung wirdo na yun.. Babaliwin nya ata ako.. Isa pa tong mga kaibigan ko ayaw ako tigilan sa pangaasar...

"ay potek! " Nagulat ako ng may tumusok sa pisngi ko, pagtingin ko isang bata na nakaninja costume..si Eli ang birthday celebrant.. Nakatingin ito sa akin at ngumiti.. Ang cute cute nya.. Lumabas ang mga biloy sa kanyang pisngi.. Ngumiti rin ako sa kanya at maging ang mga kaibigan ko ay napansin na din sya..

Love will never lieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن