The End..

1.9K 52 32
                                    

This chapter is dedicated to ayzel_nat2338 and also kay lecnej :-)

VIC'S POV

"Sa wakas :-) "

Masigla kong sambit ng makita ko ang taong tumawag sa akin...

.

.

.

.

.

.

.

"Manong Aliyo :-) buti naman at nakita ko kayo kanina ko pa kayo hinahanap eh."

Aliyo: Vic, Ang galing mo kanina ah at may pasuspense ka pang nalalaman ha, himala at inalis mo ang maskra mo?

Vic: Salamat Manong, eh kasi nga po papakilala na ako kina Mika, kaso parang di ko po sila nakita? Kaya ko nga po kayo hinahanap para itanong kung nakita nyo po sila?

Aliyo: Vic.. Hmm.. (inabot nito ang isang papel at pilit itinatago ang lungkot)

Vic: ano po ito manong? Para sana po ito?

Aliyo: Anak, dumaan dito kanina si Mika kanina. Pinaabot nya yan sa isang waiter naten at binigay naman sakin ng waiter para iabot sayo nun nakasalubong ko ito.

Kinalulungkot kong sabihin na hindi na nya nakita pa ang pagaalis mo ng maskra,  nakaalis na sila mga tatlumpong minuto na ang nakakalipas.

Nakaalis na sila tatlumpong minuto na ang nakakalipas...

Nanlambot ang mga paa ko sa narinig ko kay Manong. Nakakabingi ang huling linya niyang sinabi. Gusto ng kumawala ng mga luha ko, gusto ko sapakin si Manong kung bakit nya di kaagad sinabi sa akin dahil alam kong alam nya ang pagalis ng mga ito lalo na at gabi na para bumyahe.

Gusto kong magtanong ng magtanong kung bakit biglaan? Kung bakit hindi sya nagpaalam sa akin. Kung bakit nahuli na naman ako...

Pero wala na nakaalis na sila at hindi na nya nalaman na ako to na ako si Vic sa likod ng pangalang Toru. Ang tao sa likod ng puting maskra.

Lord, ganito po ba talaga kapag nakatadhana na hindi talaga dapat ng magkita pang muli? Pilit nalalayo sa isat isa?

Ginusumot ko ang papel nahawak ko sa kamay ko at inilagay sa aking bulsa..

Pinilit kong maglakad palayo kay Manong,  para akong lasing na nghihina sa paglalakad. Narinig ko pang tinawag ako ni Manong Aliyo...

"Vic, Toru! Emergency ang dahilan bakit sila umalis anak!"

Pero hindi ko na sya nilingon pang muli, patuloy lang ako sa paglakad patungo sa kotse ko..

Ng marating ko ito ay sumakay kaagad ako at pinaharurot ko kagad para makarating sa aking comfort zone, ang aking opisina sa tabing dagat....

Gaya ng dati Kong ginagawa nagsulat ako sa aking kwaderno..

" Mika, nahuli na naman ba ako ng dahil sa kaduwagan ko? Andito ka na nga malapit sa akin ay hinayaan pa kitang mawalang muli. Pero bakit hindi mo man lang ako nahantay? Isang gabi pa di ba? Handa na ako eh pero heto at nawala ka na naman. Bakit ganun? Nararamdaman ko naman na may pagpapahalaga ka sa akin kahit pa si Toru ako, alam kong masaya ka kapag kasama mo ako pero bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin? May naghihintay ba sayo sa Manila? Si jeron ba? Si jeron na ba talaga ang mahalaga sayo,  ang mahal mo?

Love will never lieWhere stories live. Discover now