[18] CONFUSED.

913 23 22
                                    

eeeeeek? after nth year, nakapag-update na din. hahahaha, lapit na christmas break, maga-update ako promise:))) sa ngayon, haharapin ko muna ang aking prelims. wooooh. makapasa sana ako. Aja!

Enjoy na lang po, deadma nlang sa title. hahahaha. saalaamaat po.

--sassy

**************************************************************************************

INAH SHANEISHA’S POV...

Sabi sa nabasa ko sa internet, hindi naman daw laging tama ang lumalabas sa pregnancy test. May ilang porsyento padin na maaaring mali ang resultang inilalabas nito. Kaya para makasigurado sa tunay na kalagayan ko, pumunta ako sa isa hospital para konsultahin ang kalagayan ko.

I went here alone, ayokong may makaalam na ibang tao tungkol sa nangyayari sa akin, tungkol sa kalagayan ko. I want to keep it as a secret.

“Ms. Heimz? Kayo na po ang susunod.” Tumingin ako sa assistant ng doctor, tumayo ako sa kinauupuan ko. Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. Today, today is the day. Ngayon ko malalaman kung ano nga ba talaga ang totoo.. kung tama ba ang mga resultang nakita ko kagabi.

Pumasok na ako sa silid kung saan ay naghihintay ang doctor na titingin sa kalagayan ko.

**

“Congratulation Ms. Heimz, you’re 2 weeks pregnant.”

Naglandasan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko. No. It’s not tears of joy. I am not happy. Hindi ako Masaya sa naging resulta. I can’t be pregnant. I am not ready, I’m not ready yet. Mapapatay ako ni mommy... besides... masisira ang plano ko.

What to do? What to do?? Hindi ako pwedeng mabuntis... at least not now. Damn. I’m doomed.

Anong dapat kong gawin? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Please. Tulungan niyo ako. Hindi ako pwedeng mabuntis... ayoko! Lalo na’t ang ama ng batang ito ay ang lalaking kinaiinisan ko.

Should I accept.... Abortion?? No. Hindi ko kayang pumatay ng batang walang kasalanan, hindi ko kayang pumatay ng batang walang kamuwang muwang, at higit sa lahat, hindi ko kayang patayin ang sarili kong anak.

Sa sobrang frustrate ko, iniumpog ko ng iniumpog ang ulo ko sa manibela ng sasakyan ko.

“I am so Stupid. This is all my fault. No. This all travis’ fault, siya ang pinag-ugatan nito, kung hindi lang sana niya ako iniwan *sob* hindi nangyari ang nangyari na. Hindi sana ganito ang problema ko, hindi sana ako mabubuntis ... AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Dammit!” hinampas hampas ko ang manibela ng sasakyan ko, gusto kong ilabas ang galit ko, ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi. Hindi ko matanggap na nangyayari sa akin ito. Ni sa panaginip, hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ito. What to do? What to do now??

**

Tahimik kong pinapanood ang bawat alon sa dagat. Dito ako dinala ng sarili ko. Gusto ko ng katahimikan, gusto kong mapag-isa.

Bakit ba sunod-sunod ang dumarating sa akin na mga problema? Bakit ba lahat na ata ng kamalasan sa mundo nakuha ko? Karma ko na ba ito? Ganun na ba talaga ako kasama para maramansan ko ang lahat ng ito? I admit, marami akong nasaktan, physically and emotionally, pero, hindi ko naman siguro deserve ang ganitong kaparusahan. Wala pa naman akong nasisirang buhay, wala pa naman akong nasasaktan ng ganung kalala, pero bakit ganito? Bakit ganito ang binabalik sa akin ng tadhana? Bakit ganoon? Masyadong unfair. Ang bagay na nararanasan ko ngayon ay ang bagay na paniguradong ikakasira ng buhay ko. Wala na. Wala na. Panigurado, masisira na ako.

H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon