[8] HOWARD, COWARD?

1.2K 41 15
                                    

anung konek nung title??

MALAY ko din.

bwahahahaha...

enjoy reading :*

--sassyabhie05

*********************************************************************************************************

INAH SHANEISHA’S POV...

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, ang galit na mukha ni Mama ang sumalubong sa akin...

“Inah Shaneisha, kailan ka pa natutong umuwi ng ganitong oras hah?? Tirik na ang araw, ngayon ka pa lang uuwi?? Ano bang nangyayari sayong bata ka hah? Ganyan ba kita pinalaki?? Ganyan ba ang tamang asal ng dalaga?? Saan ka naglagi kagabi? Sinong kasama mo?? Wag kang magsisinungaling sakin tatamaan ka talaga... hoy! Bata ka, wag na wag mo akong tatalikuran hah...” sigaw ni Mama, nung nagsasalita kasi siya, sa sobrang lakas ng boses niya, ang sakit sa ulo, kaya tumalikod na ako para umakyat sa kwarto ko kaya lang ayaw ako tantanan ni Mama, nakakainis lang >.<

“nakatulog ako sa loob ng Bar, ‘Ma... buti nga hindi ako idinispatsya nung mga bouncer dun ee..” pagsisinungaling ko nlang, nagpatuloy na ako sa paglalakad... ayoko muna ng mahabang paliwanagan, nasakit ang ulo ko ee... lalong lalo na ang katawan ko...

“ano bang ginagawa mo sa buhay mo?? Lalaki lang yan anak! Simula pa lang sinabihan na kita tungkol dyan kay Travis, wala syang maiidulot sa iyong maganda, hindi nga ba’t araw-araw kayong nagtatalong dalawa... at kung mahal ka niyang talaga anak, edi sa--”

“STOP IT ‘MA!” napatigil ako sa paglalakad ko tapos humarap sa kanya... “alam niyo kung gaano kasakit itong nararamdaman ko db? Higit sa lahat ng tao, ikaw ang nakakaalam kung gaano kasakit itong nararamdaman ko, kaya please ‘Ma, intindihin mo naman ako, wag mo ng isisi pa sa akin lahat.... pagod na ako... *sob* pagod na paggod na ako...” with that, nagtatakbo ako papuntangkwarto ko... panay ang patak ng mga luha ko... akala ko pa mandin ubos na ang mga ito, ilang araw na rin ba akong walang humpay sa pag-iyak?? Bakit ganun? Hindi ata sila nauubos??

Pabalabag kong isinara ang pinto ng kwarto ko at agad na tinungo ang kama ko at humiga...

Ayoko ng ganitong pakiramdam, sa inaraw-araw nlang na nilikha, laging nagpflash sa isip ko yung eksenang iyon... ang eksenang nagwasak sa lahat, sa akin... sa puso ko... at sa samahan naming dalawa ni Travis...

It’s really breaking me into a million pieces...

It’s tearing me apart...

It’s breaking my heart...

Gaano ba kalaki ang naging kasalanan ko sa kanya para gawin niya sa akin ito?? Hindi ko naman ginustong halikan yung lalaking iyon ee... unlike him, he really kissed the girl... in front of me...

Ilang taon naming kasama ang isa’t isa, ilang taon kaming nagmahalan... masisira lang iyon ng “MISINTERPRETATION” at “PRIDE”... nakakapanghinayang ... at ang sakit sa pakiramdam...

He’s my First boyfriend..

My First Love...

And

My First Kiss...

Halos sa kanya napunta ang lahat ng “First” ko... ang hirap sa kalooban, ang hirap tanggapin na sa ganung bagay lang mawawala ang lahat...

Kung galit siya dahil sa mga nakita niya... bakit hindi manlang niya ako hinayaang mag-explain.. bakit kailangan nya akong gantihan...?

Iyon ang masakit ee...

H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon