[14] GOODBYE TRAVIS.

1K 30 13
                                    

HEVN’S POV...

“Bespren, san tayo ngayon?” tanong sakin ni Jemay, yung bespren ko. Palabas kami ngayon sa building namin, pareho kami ng course ni bespren, Architecture. So ayun, tapos na yung last subject kaya uuwi na kami, yun nga lang, mukhang walang balak  umuwi itong isang ito -.- nagyayaya pang gumala ee, err. Wala ako sa mood >.<

“sa parking, hihintayin ko si Kuya, tapos, gora na pauwi.” Dire-diretsong sabi ko sa kanya.

“Eh?hindi tayo gagala? O kaya pupunta sa Hartner? Gusto kong Makita si Mr. Papable mo ^_^v” sabi niya tapos hinarangan ang daanan ko at nakangiti sa akin ng nakakaloko.

Inirapan ko siya, “Mr. Papable? Like? EEEEEWW! Nakakasuka!” tapos, hinawi ko siya at nagdirediretso ng lakad, aasarin na naman ako nun ee, nakakainis.

“Bes naman ee, Maria Clara lang? Dalagang Pilipina? Pakipot effect?” sabi niya, then sumusunod sa akin sa paglalakad.

Tiningnan ko siya ng masama, pero, ang walanghiya, hindi nasindak, dinilaan pa ako >.< baliw na ang bespren ko! Err.

Magdederetso na sana ako sa paglalakad kaya lang, nung tumingin ako sa harapan ko...

“T-travis??” o.O bakit siya andito??

“Hi.” Sabi naman niya tapos, ngumiti sa akin.

Biglang bumilis yung tibok ng dibdib ko, teka?? Kinakabahan ba ako?? >_<!!

“n-napadalaw ka?” sabi ko, then tumingin sa likod ko para silipin si Jemay, ayun, nakakunot lang ang noo niya kay Travis, tapos tumingin siya sa akin na para bang sinasabi niyang ‘kilala mo siya?’

*deep sigh* no choice, kailangan ko pa siyang ipakilala kay Bes Jemay, Argh. Naman kasi >3<

“yayayain sana kitang lumabas, may sasabihin lang ako.” Sabi naman ni Travis, tapos, ngumiti na naman siya. Ayt, kainis tong taong to, ngiti ng ngiti, eto namang puso ko, pandalas sa tibok, naabnormal na ata.

“si--”

“hindi siya pwede!” napalingon ako kay Bes, -.- problema niya?

“sino ka ba? Bakit mo yayayain bespren ko? Suitor ka ba niya? Bakit hindi kita kilala?” sunod-sunod na tanong ni bes, yung totoo? Bespren ko ba siya? O siya ang Nanay ko? Makatanong lang wagas??

“Bes.” Sabi ko sa kanya, with my warning tone.

“Travis, Travis Solminera.” Tapos, inilahad ni Travis yung kamay niya kay Bes.

“Ah!!” sabi ni Bes, tapos tumingin na naman sa akin ng nakakaloko habang sinasabing “Ikaw pala si Travis. Hahahahaha” then humarap na siya kay Travis, “Ako naman si Jemay, bespren ni Hevn.” Akmang aabutin na ni Bes yung kamay ni Travis, kaya lang....

“AH!! TRAVIS, DI BA MAY PUPUNTAHAN TAYO?? TARA NA?? HEHEHE, IKAW BES?? BABUSH NA, KITA NA LANG TAYO BUKAS ^_____________^” hinawakan ko yung kamay ni Travis at hinigit ito. Nag-wave naman ako kay bes para mag-goodbye.

“h-hoy! Andaya mo!” sabi ni Bes, tapos nagpapadyak. Ngumiti na lang ako sa kanya tapos, hinatak na si Travis paalis doon. Err, anu ba namang nangyayari sa akin?? >.< sorry na lang bespren.

“Hahahaha, nakakatawa ka talaga Hevn!” narinig kong sabi ni Travis, humarap ako sa kanya ng nakakunot ang noo ko.

“bakit naman? Ano na namang ginawa ko??” maang na tanong ko sa kanya.

H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon