Siyete

60 2 0
                                    


Yumi's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mata, unang bumungad sakin ang mukha ni Fear na nakaupo sa tabi ng aking kama. Kumunot pa ang noo niya bago ngumiti sakin.

"Kamusta?" pagtatanong niya sakin habang inaabot ang tubig. Kinuha ko naman agad 'yon at ininum.

"Okay lang" sagot ko sa kanya, naiilang na din ako sa presensya niya dahil nakatitig lamang siya sakin.

"Tungkol nga pala kanina—" di ko siya pinatapos dahil tumayo na agad ako.

"Isa akong Ative na nagmula sa kaharian ng mga kakaibang nilalang" tumingin muna ako sa kanya bago nagpatuloy. "Madaming klase ang Ative, may masama at maymabait. Isa ako sa mga Divine na nagproprotekta at nangangalaga sa kaharian dahil na din sa royal blood na dinadala ko"

"Pero bat ka nandito?" pagtatanong niya sakin, napangiti naman ako ng mapakla dahil sa mga ala-ala

"Napagkamalan nila ako na sumira sa mahiwagang crystal. Nandito ako sa mundo ng mga tao para magtago at alamin kung paano ko maibabalik ang crystal"

"Ganun ba iomportante ang crystal na 'yon?"

"Oo dahil 'yon ang nagproprotekta sa kaharian naming laban sa mga kalaban. Ang mga ogre, Fabian at mga wicked witch" nakita ko naman siyang naguguluhan sa mga sinasabi ko dahil nahalata ko 'yon sa mukha niya.

"So sino 'yong angel na sumugod satin kanina?" Nginitian ko lamang siya bgo ko sinagot ang tanong niya

"Siya si Phenelope ang diyosa ng mga ibon. Isa siya sa pinakamalakas na Ative. Kaya niya kontrolin ang hangin. Pero mukhang balak nila akong patayin kaya naman wala akong ibang magawa kaya inunahan ko na siya" Di ko alam pero mukhang dapat ay bantayan ko na din itong kasama ko dahil isa na din siya sa mga sinusugod.

"Pero kaibigan mo siya diba? Bat mo pa din 'yon ginawa?"

"Isa akong Divine" simple kong sagot at umiwas ng tingin.

"Kung ganon tutulungan na kita mahanap ang taong pwedeng makatulong sayo sa pagbalik ng mahiwagang bola" napataas naman agad ang kilay ko sa sinabi niya, seryoso ba siya?

Ilang minute ang lumipas ay walang sino man samin ang umimik. Tahimik lamang kami nagkakatitigan. Naputol lamang ang pagtitinginan naming dalawa nung biglang pumasok ang isang nurse at inumpisahan ang pagcheck sakin at pagpapainom ng gamot.

"Kelangan niyo lang po ng pahinga" nakangiti niyang saad habang sumusulyap kay fear, ako yung kausap pero sa iba nakatingin, tss.

"Ah sige, thank you" wika ni fear at tuluyan ng lumabas sa kwarto ang nurse.

Third Person POV

Lumipas ang ilang araw ay naibalik ko ng muli ang nawala kong lakas, naging mabilis na din ang galaw ko at naging matalas ang pandinig. Sinasanay ko na uli ang aking sarili sa pagiging alerto dahil ayokong maulit ang pangyayari.

"Yumi!" binilisan ni Yumi ang kanyang paglalakad dahil nakasunod nanaman sa kanya si Fear. Paliko na siya ay nakita niya ang kanyang mga kaibigan.

Sa maiksing panahon na pananahanan niya sa mundo ng tao ay nagkaroon din siya ng mga kaibigan. Nakangiti ang mga kaibigan niya habang papalapit si Yumi, nakikita nanaman kasi nila ang eksena ng dalawa. Tinaguriang campus love birds ang dalawa kahit na di naman talaga sila.

"Oh ano nanaman yan?" Natatawang mungkahi ng malapit niyang kaibigan na si Abbigail.

"Sus di ka pa nasanay sa dalawang yan" Wika ni Chloe, inismidan lamang ni Yumi ang kanyang mga kaibigan dahil nagumpisa na ito sa pagaasar sa kanya. Natigil lamang ang mga ito ng nakalapit na sa kinalulugaran nila si fear.

"Yumi! Samahan mo ko dali, dapat mo tong makita!" natatarantang wika ni fear, bigla naman kinabahan si Yumi at mabilis na sinundan si fear.

Tumakbo sila papunta sa old building kung saan sila naglaban ng kanyang kaibigan noon na si Phenelope.

"Yumi! Dito!" Sigaw ni fear at tinuro ang madilim na aisle. Kakaiba ang dilim sa aisle na iyon dahil sa malakas na aura nito.

Kumunot ang noo i Yumi at agad na humakbang ng limang beses pero tumigil agad siya dahil lumalapit din ang dilim papunta sa kanilang dalawa ni fear.

"Fear! Takbo!" sigaw ni Yumi at tumakbo agad, bumilis ang pagkalat ng dilim sa old building

Ramdam ni Yumi ang mabilis na tibok ng kanyang puso, sa pagkakaalala niya ay isa ito sa divine na nagpoprotekta sa kaharian nila noon. Ang prinsipe ng kadiliman si Beast.

"Dito Yumi" sigaw ni fear at nagmamadaling pumuntas sila sa rooftop pero bago pa man makalabas sa pinto sa rooftop si Yumi at nilamon siya ng kadiliman.

"Yumi!" Lalapit pa sana si fear ng biglang sumirado ang pinto, dahil sa impact nito ay tinilapon si fear.

Yumi's POV

Nakatayo lamang ako sa isang madilim na lugar. Sa sobrang dilim ay di ko makita pati ang sarili kong kamay. Nakiramdam na lamang ako sa paligid ko dahil baka maybiglang umatake.

"Akala ko pa naman iiyak ka dahil sa takot , naalala ko di mo pala alam yun" Isang malalim na boses ang naramdaman kong bumulong sakin kaya naman agad akong sumipa sa harapan ko pero wala naman akong nasipa.

"Oh easy lang HAHA" naiinis na sumipa uli ako pero wala talaga. Asan yang bakla nay an?!

"Pwede ba Beast wala akong panahon sa ganitong kalokohan!" wika ko, tumayo na lamang ng maayos at nakiramdam uli.

"Di ka naman mabiro prinsesa" natatawang wika niya. "Nandito lang naman ako para kamustahin ka eh" Isang matalim na balade ang dumaan sa mukha ni Yumi pero agad niya itong naiwasan.

"Kung hahamunin mo sana ako ng laban ay sana bigyan mo namna ng liwanag! Lumabas ka!" sigaw ko dahil sa inis. Umilag ako ng dalawang beses dahil sa balade na paparating.

"Pano kung ayoko?" Kahit na wala akong makita ay alam kong nakangisi siya habang nakatingin sa akain. "Ano pa ang saysay ng kapangyarihan ko kung di ko naman gagamitin?" Napaismid naman ako dahil doon.

"Ano ba kelangan mo?" Nangangalaita kong tanong sa kanya pero isang atake lamang ang sagot niya. Mabilis ko naman na nailangan ang iba pero ang ibang blade ay mabilis na sinugatan ang iba ibang parte ng katawan ko.

"Isa lamang ang kelangan ko upang mapasaya ang aming reyna" Maslalong naging malakas ang aura "Ang buhay mo" Nagulat na lamang ako ng biglang maytumusok sa bandang dibdib ko, tumagos ang espada papunta sa likod ko.

tX

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY DEMON PETWhere stories live. Discover now