Sais

67 3 1
                                    

Lumipas ang ilang araw at hinayaan niya na lamang ang pagiging madaldal ni fear. Naging komportable na kasi siya sa presensya nito at sa tingin namna niya ay dapat na magenjoy na lamang siya sa company nito sa kanya.

"Yumi!" napalingon agad si Yumi ng narinig niyang maytumawag sa kanya. Nagulat pa si yumi dahil biglaan niyang nagamit ang pagiging alisto niya kaya naman naging dilaw ang mata niya. Nagulat pa si fear ng nakita ang mata ni Yumi na nagpalit ng kulay.

"F-fear" di alam ni yumi kung anong gagawin niya dahil nakita ni fear ang mga mata ni yumi, hindi pa din ito bumabalik sa dati nitong kulay.

"Y-yumi ano nangyare sa mata mo?" nagtatakang tanong ni fear. Nagpapanic na si yumi dahil di niya alam ang gagawin niya, kung sasabihin niya ba ang totoo or what? "Gumamit ka ba ng contact lense?" taking tanong ni fear sa kanya, napakagat na lamang si yumi sa kanyang labi.

"Ahh oo nakasuot ako ng contact" sagot ni yumi habang iniiwas ang tingin niya "nagtry lang ako baka kasi maganda tingnan sakin"

"Shit yumi ang ganda mo! HAHA" natatawang pagpupuri ni fear sa kanya, di alam ni yumi kung inaasar ba siya ni fear o hindi eh.

"Heh!" sabi ni yumi tsaka dali-daling pumasok sa CR. Tininganan niya ang reflection niya sa salamin. Naging itim uli ang mga mata niya.

'Muntikan na ako dun ah. Dapat magingat na ako lagi lalo na at hindi ko pa nakikita ang mga taong hinahnap ko' Sabi niya sa utak niya

Lumabas na siya sa CR at naabutan niyang nakasandal sa pader si fear. Nangnakita siya nito ay bilang napangiti si fear. Yung ngiting mapang asar. Hindi maiwasan ni Yumi ang pagikot ng kanyang mata dahil sa ipinapakita ni fear na ngiti sa kanya.

"Uy bat mo inalis? Ang ganda kaya!" tiningnan niya ng masma si fear tsaka inirapan io, tumawa lamang si faer at sumunod kay Yumi. "Uy HAHA mukha kang tarshier nung suot mo yung contact HAHA dapat di mo na inalis!" pagaasar pa nito. Di na lang pinansin ni yumi si faer at baka mahampas niya pa ito ng hawak niyang libo.

Nakaabot na sila sa library pero ewan, iba ang nararamdaman ni Yumi. Para bang maynakasunod sa kanya. Di tuloy ni yumi alam kung guni-guni lang niya ba iyon o presensya lamang ito si fear. Naguguluhan siya.

Umupo si fear sa isang sulok at tsaka dun nagbasa ng libro. Pumunta naman si yumi sa pinaka last section para maghanap ng libro ng di niya sinasadyang masagi ang isang libro. Nanlaki ang mata niya ng maynakita siyang anino.

Bigla siyang nagpanic dahil doon.'Paanong may nakasunod sakin sa mundo ng mga tao' tanong niya sa isip niya habang nakatingin pa din siya sa kung saan niya nakita ang anino. Dali-dali niyang hinigit patayo si fear at hinila palabas.

"O-oy anong problema mo?" tanong ni fear habang nagpapanic na din sa pinapakita ni Yumi.

"Sumunod ka na lang sakin" sagot ni yumi habang nagmamadali pa din itong naglalakad at hinihila si fear. Malakas si yumi kaya hindi siya nahirapang hilahin ang isang mortal.

Huminto na lamang si Yumi sa isang lumang building sa school nila. Agad dun pumasok si Yumi habang si fear naman ay nalilito sa inakto ng dalaga.

"Hoy baka makita tayo ng janitor! Mapapagalitan tayo!" sabi ni fear pero walang paki si Yumi at hinila na lamang ang binate papunta sa silid. "anong gagawin natin dito?" nalilitong tanong ni fear.

"Wag kang maingay!" suway naman ni Yumi kay fear at tinakpan nito ang bibig. Nakarinig sila ng malakas na kalabog sa kabilang kwarto. Di lama ni fear pero bigla siyang kinabahn lalo na sa inasta ng dalaga.

MY DEMON PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon