3.

464 18 2
                                    

I answer the call immediately.

"h-hello?" sagot ko.

"It's Brianna's birthday today. Pinapapunta tayo ni dad. Susunduin kita sa bahay ng six." sagot nya.

"a-ahh s-sige."

"ok." sabi nya sabay baba ng tawag.

Si Brianna ay ang panganay na kapatid nila Bryan, mas matanda lamang ito ng dalawang taon. Mabait ito sa akin ganun din ang daddy nila. Ang mommy nga lang nila at iba nilang kamag anak ang problema ko. Iniisip ko pa lang na makakaharap ko sila ay parang ayaw ko ng pumunta.

***

Mabilis namang natapos ang klase. Hindi muna ako dumiretso ng uwi dahil dumaan muna ako sa mall para bumili ng pangregalo at hindi naman ako nahirapang gawin iyon.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa bahay para makapaghanda na din.

Saktong pagkatapos kong mag ayos ay dumating na si Bryan.

Sinabihan lang ako nitong hintayin sya saglit dahil mag papalit lang sya ng damit.

Pagkatapos nya ay umalis na kami agad. Kami na lang daw kasi ang hinihintay nila.

Saglit lang naman ang byahe at nakarating kami agad sa bahay ng magulang nya. Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ni Ate Brianna.

"happy birthday." bati ni Bryan at iniabot ang regalo.

"happy birthday,ate. Eto regalo ko." bati ko din dito sabay abot ng regalo ko sa kanya.

"ayy thank you, halika pasok kayo." nakangiting sagot nito sabay hila sa akin papunta sa mga bisita.

Natigil naman sila sa pag kulwentuhan ng makita ako at si Bryan.

"g-good evening po." kinakabahang bati ko. Lumapit naman ako sa daddy ni Bryan at nagmano. Lalapit din sana ako sa Mommy nya ng bigla itong magsalita.

"no need." taas kilay nitong sabi sa akin saka ulit nakipagkwentuhan sa iba pa nilang kamag anak na hindi man lang ako pinansin. Si Bryan naman ay lumapit sa kanila para batiin at mag mano. Si Bren naman ay kabababa lang galing sa taas.

"Good evening." bati nya sa kin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Maya maya lamang ay tinawag na kami sa dining room para kumain.

Napansin kong wala si Kuya Eugene ang asawa ni Ate Brianna.

"kailan naman daw ang uwi ni Eugene, bri?" tanong ng isang tiyahin nila habang nasa hapagkainan.

"sa sunday po,tita." sagot naman nya.

"kamusta naman ang pag aaral mo, Sham?" biglang tanong naman ng daddy sa akin ni Bryan.

"ah ok lang naman po." sagot ko dito at bahagyang ngumiti.

"diba schoolar ka?" singit na tanong naman ng mommy nya.

"o-opo."

"dun ka pa rin ba nag aaral?" tanong ulit nito. Tango lang isinagot ko.

"ang bait talaga ng mga Smith ano?" sarcastic na sagot nito. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kasama naming kumakain, parang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. Habang si Bryan naman ay tuloy lang sa mabagal na pagkain.

"akalain mo yun, kahit na trinaydor mo ang anak nila na kaibigan pa man din ang turing sayo ay tin—"

"stop it, Bella. Nasa harap tayo ng pagkain." suway sa kanya ni Daddy.

"why? sinasabi ko lang naman an—"

"Tama na 'my." sabi din ni Bryan. Si Ate naman saka si Bren ay nakatingin lang sa akin na parang humihingi ng paumanhin. Ngumiti lang ako sa kanila.

"pano ko mananahimik? kapag kaharap ko yang babaeng yan ay sumasama ang pakiramdam ko!" sigaw ng mommy ni Bryan. Nagulat naman silang lahat dahil sa inasta nito.

"a-ah, h-hindi naman po ko g-gutom, m-mauna n-na lang po muna ko siguro s-sa inyo." sabi ko sa kanila. Baka kasi pag nagtagal pa ako dito ay hindi ko na mapigil pa ang mga luha ko, ayaw ko namang umiyak sa harapan nila hanggat maaari. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot, tumayo na lamang ako at lumabas.

Kahit papaano ay umaasa akong ipagtatanggol ako ni Bryan. Pero hindi. Parang wala lang itong naririnig kanina.

Umiiyak akong naglalakad palabas ng subdivision, wala kasi akong masasakyang taxi sa loob kaya sa may labas na lang ako maghihintay.At ang malas, umulan pa. Basang basa akong nakalabas ng subdivision at kanina pa ko naghihintay pero walang taxi. Lamig na lamig na ko pakiramdam ko ay namamanhid na ang katawan ko. 

Nakayakap ako sa katawan ko ng may tumigil na pulang sasakyan sa harap ko. Binuksan ng isang lalaki ang pintuan.

"miss, sakay na!" sabi nito na ngiting ngiti sa akin. Hindi ko sya pinansin at tumingin sa ibang direksyon. Pero hindi nya ako tinigilan. Bumaba sya sa sasakyan kasama ang isa pang lalaki at lumapit sila sa kin.

"yan ang gusto ko, suplada." sabi nito sabay hablot sa braso ko.

"a-ano ba! b-bitawan mo nga ako. S-sino ba kayo huh? Bitaw!" sigaw ko sa kanila. Nagtinginan lang dalawa at nagtawanan na parang baliw. Unti unti na akong nakakaramdam ng takot para sa sarili ko.

At lalong nadagdagan ang takot na iyon ng bigla na lang nila akong hilahin papasok ng kotse. Sa lakas ng ulan ay imposibleng may tao sa kalsada na pwedeng sumaklolo sa akin.

"B-bitawan nyo ko, mga demonyo k—" hindi ko naituloy lang sigaw ko ng itulak nila ako papasok ng kotse. Ang isang lalaki ay umikot papuntang driver seat at ang isa naman ay tumabi sa akin.

"a-ano ba, nasasaktan ako!" sigaw ko dito at isang malutong na sampal naman ang natanggap kong sagot sa kanila at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"s-saan nyo ko d-dadalhin?" kinakabahang tanong ko.

"basta wag ka ng magtanong. Mamaya ay malalaman mo rin, wag kang mag alala sa masarap na lugr ka naman namin dadalhin, mag eenjoy ka dun,miss beautiful." sagot nito sa akin sabay tawa ng malakas.

"p-parang awa nyo na, i-ibaba nyo na ko. A-ano bang g-gusto nyo? kung pera lang din i-ibibigay ko." pakiusap ko sa kanila habang umiiyak. I'm so helpless. Pero hindi sila sumagot. Umiyak lang ako ng umiyak.

"t*ng ina mo, manahimik ka pwede? nakakarindi yang iyak mo!" galit na sagot nya sabay sabunot saka sampal na naman sa mukha ko. Manhid na ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal nya. Wala na nga yata akong magagawa. Walang tutulong sa kin dito. Nanahimik na lamang ako at pilit na itinatago ang paghikbi.

"ayan. Tatahimik ka din pala gusto mo pa nasasaktan ka." nakangising sabi nya sa akin habang ang kamay nya ay naka patong sa hita ko at humihimas. Pinilit ko namang tanggalin ang kamay nito na nagpagalit na naman sa kanya.

"tang ina ka talaga!" sabi nya sabay sakal sa akin. Mamamatay na yata talaga ako.

"shit, Rico tigilan mo yan. May Checkpoint." suway sa kanya ng kasama nyang lalaki.

His wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon