8.

291 9 1
                                    

Matapos ang klase ay agad akong lumabas ng school.

Nagmadali ako lalo ng madinig kong may tumatawag sa aking pangalan.

"Shamie!"

Napairap ako ng palihim. Hindi ba titigil ang isang to? Hindi ko na lang sya pinansin at nag dire-diretso na lamang ako sa aking paglalakad pero naabutan pa din nya ako.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko.

It's not that I don't like to befriend him. Pero alam kung iba ang iisipin ng tao pag nagkataon. At kapag nalaman pa ni Bryan ay pag aawayan pa namin. Ayokong nagagalit sya sa akin.

"Nothing?" pataas taas ang kilay nya. Huminga ako ng malalim.

"Pasensya na Liam pero kailangan ko ng umuwi." sabi ko at saka sya nilampasan.

"Hey, wait." habol nya.

"Ano?" medyo iritado kong tanong. Tumawa sya ng mahina.

"Ang sungit naman. Just wanna ask you kung galit ka sa 'kin." sabi nya. Sumimangot ako.

"Galit saan? Bakit ako magagalit?"

He shrugged his shoulder.

"Uhm, wala. Hindi mo kasi ako pinapansin. I thought we're friends, so.. never mind." sabi nya. Sumilay sa labi ang malungkot na ngiti. Hindi ko alam kung bakit, but I somehow see myself sa mga ngiti nya.

Nakaramdam ako ng konsensya.

"Sige, uwi ka na. It's getting late. Ingat ka." sabi nya at saka pumihit patalikod.

Mabagal ang kanyang naging paghakbang.

"Liam, sandali!" tawag ko. Tumigil sya at lumingon sa akin.

"hindi ako g-galit." sabi ko at umiling pa. He smiled and winked.

Nakangiti syang bumalik papunta sa akin.

"Effective ba yung drama ko?" natatawa nyang tanong. Sumimangot ako. Akala ko pa naman.. ugh! nakakainis tong lalaking to.

"Oh. Oh. Wag ka ng magalit dyan. Susunduin ka ba ng asawa mo?" tanong nya.

Umiling ako.

"Akala ko nga pero nagkaroon daw kasi ng Emergency meeting kaya hindi na." paliwanag ko.

"You want me t-

"no. Hindi na Liam. May sundo ako." sabi ko.

Tumango tango lamang ito.

"So? Ingat ka. See you tomorrow then?"

Kahit alangan ay nginitian ko pa din sya at tumango. He's trying to befriend me at sino ba naman ako para tanggihan iyon? And besides alam ko namang hanggang dun lamang iyon.

Matapos magpaalam sa isa't isa ay nagmadali na akong lumabas.

Naabutan ko ang driver na naghihitay sa akin sa labas kaya agad akong sumakay sa sasakyan.

"pinapasabi po ni Sir na mali-late sya ng uwi ngayong gabi." Sabi nito sa akin.

Matipid akong ngumiti dito.

"Ganun po ba? Salamat po." Sagot ko na lang.

Wala na kaming imikan pa hanggang sa makarating kami sa bahay at ganun na lamang ang pagtataka ko ng makita ang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay. Napalunok ako at parang nanlamig ang aking buong katawan. Anong ginagawa dito ng mommy ni Bryan? Isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago pumasok ng tuluyan sa bahay.

At tama nga ang aking hinala, ang ina nito.

"M-magandang ha-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng bigla ako nitong sampalin ng malakas. Napaatras ako at napahawak sa aking mukha. Mabuti na lamang at walang kasambahay ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon