A night with Cyrus

113 5 3
                                    

Xai's POV

Nagising ako sa backseat ng kotse ni Cyrus ko. Sa pagkakatanda ko nakatulog ako kanina habang kinakantahan niya ako. Teka? Nasaan na nga pala siya? Wala siya sa loob ng sasakyan kaya dahan-dahan ako lumabas. Malapit na magdilim at malamang sa hindi, wala kami sa village namin. Ohmy nasan kami?!

Agad kong nilibot ang paningin ko. Nasa mataas na lugar kami, pano ko nasabi? Kasi kita lahat dito, yung tipong kita yung citylights sa baba. Ang ganda. Kitang kita lahat, yung ilaw ng buildings, yung ilaw ng mga sasakyan, yung mga taong busyng busy sa kanya-kanya nilang buhay. Lahat. Ang ganda ganda dito.


"Do you like the view?" Pinulupot niya yung mga kamay niya sa bewang ko, habang nasa likod ko siya. Bale naka backhug siya sakin. Naramdaman ko rin na pinatong niya yung baba niya sa balikat ko. Hays, dito, dito sa yakap niya, dito ako komportable, feeling ko safe ako everytime na yakap niya ko, everytime nandyan siya.

"Sobra. I love it babe. I love it!" I happily exclaimed. Pag kasi talagang sa City ka lumaki, minsan talaga hindi mo na maa-appreciate yung kagandahan niya. Lalo na pag nasa Maynila ka, at dun ka na lumaki, iisipin mo masyado nang polluted, maingay, magulo, pero pag  nasa tahimik na lugar ka tas kita mo yung city, feeling mo masaya. Oo masaya, ang sarap panuorin ng kung anong nangyayari sa City.


Parang bigla mo na lang narerealized na, "ganto ako araw-araw, akala ko boring, pero masaya naman pala." Something like that.


"Spread your arms babe. Isipin mo.. ikaw si Rose.. at syempre bilang poging boyfriend, ako naman ang nag-iisang Jack mo.." bulong niya sakin. Napasimangot naman ako sabay iling. At tsaka anong konek ng pagiging pogi kay Jack aber? Hay Cyrus ko talaga. HAHA.

"Ayoko babe.. ayoko." Sagot ko sa kanya habang umiiling.

"Ha? Bakit babe? Alam mo ba na halos lahat ng babae pangarap yun?" Nangunot yung noo niya habang nakatingin sakin kaya napapout ako. Psh. Pangarap ng ibang babae? No offense pero never. As in never ko papangarapin yon. Hinding-hindi.


"Sila yon babe. Basta ako? A-Y-O-K-O. Ayokong maging si Rose at ayoko din na maging ikaw si Jack." Sabi ko sa kanya habang nakapout. Dahan dahan niya kinalas yung pagkakayak sa akin at iniharap niya ko sa kanya, yung kilay niya nagsasalubong na. Hayahay Babe.

"Anong ayaw mo? Wag mo sabihin na may ib-------" Jusmiyo Marimar! Sabi ko na nga ba iba na naman iniisip ng boyfriend ko. Ang cute niya. Nakakunot yung noo niya habang nakapout. Pwede po bang maging pilya ngayon? Ikikiss ko lang boyfriend ko, isa lang promise. Hehe.


Natawa ako kaya lalo siyang nagpout, "Babe.. ano ba? Walang iba. Wala akong iba. Ikaw lang. Ayoko lang talaga. Ayoko maging ako si Rose at ikaw si Jack, kasi babe.. tragic yun. Walang happy ending. Hindi sila nagkatuluyan. Namatay pa si Jack.. kaya ayoko. Hindi babe, hindi tayo magiging sila. Hindi pwede.." sabi ko habang nakatingin sa mata niya. Nakita ko naman na nag-iba yung exression niya, at ngayon, abot-tenga na yung ngiti niya grabe!


"Oo nga noh? Hindi ko naisip yon. Pero don't worry babe. No matter what happen, ikaw at ako pa rin. Tayo lang babe. Hindi tayo maghihiwalay at walang makakapag pahiwalay sa atin. Forever babe. Forever." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko, hawak hawak din niya yung dalawang kamay ko.. Sincerity. Sobrang damang dama ko yung sincerity sa mga salita niya.

Kung siguro noon may nagsabi sakin ng ganito, baka hindi ko pa paniwalaan, baka isipin ko pa pinagttripan lang ako. Pero dahil siya si Blake Cyrus Ayala, siya yung boyfriend ko, siya yung mahal ko, magtitiwala ako. Gusto kong patunayan na may forever kasama siya.. siya at siya lang.


"Forever." Sagot ko sa kanya, pilit akong tumingkayad para mahalikan ko siya. At halatang nagulat siya nang dumampi sa tungki ng ilong niya ang labi ko kaya natawa ako. Pero the next he did makes me shocked, he kiss me.. on my lips.


"You silly girl." Sabi niya habang umiiling-iling. Kinurot niya yung pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit. "Let's enjoy the view?" Bulong niya, dahan-dahan naman akong tumango at kumalas na sa yakap niya, hinatak niya ako paupo sa bato na nakaharap sa magandang view ng citylights. "Wait a minute babe." Sabi niya sabay halik sa noo ko at dumiretso na sa backseat ng kotse.

Pagkabalik niya may bitbit na siyang isang box ng pizza at 2 pepsi in can. Umupo siya sa bato na katabi ng akin at sinubuan ako ng pizza.

"Pasensya ka na babe ah? Malamig na. Kanina ko pa kasi binili yan eh." Sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pepsi. Ngumiti naman ako, sa totoo lang, hindi ko naman talaga nararamdaman yung gutom eh. Solve na ko basta kasama siya. Haha korni ba? Sorry na!


"Teka babe? Saan lugar ba to?  Nasaan tayo? Tsaka paano mo nalaman tong lugar na to?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kasi diba? Nagkadramahan  na kami't lahat pero hindi ko pa din alam kung nasaan kami.

"Easy babe! Isa-isa lang. Mahina kalaban." Natatawang sagot niya sakin sabay kiss sa cheeks ko. Abat?! Nakakadami na to ah? Hihihi.

"Nasa City pa din tayo babe. Basta somewhere in Metro lang pero secret lang natin yon. Tapos babe paano ko nalaman to? Hindi ko rin alam. Basta habang nagrroadtrip ako, accidentally napadpad ako dito. Kaya everytime na nasstress ako, dito ako tumatambay. Ayos ba?" Sabi niya habang nakatingin sa langit. So talagang gala pala ang boyfriend ko? Kuuuuhnaman oh oh!

Pero tama nga naman siya. Tahimik dito. Relaxing. Talagang makakapag-isip ka.. siguro ang sarap tumambay dito pag mag-isa? Pero hindi din, kung si Cyrus ko naman yung kasama ko, mas masaya. Tahimik lang kami habang ine-enjoy yung view, nakaakbay siya sakin habang nakapatong yung ulo ko sa dibdib na.


Noon pa man, eto na yung pangarap ko.. yung makasama yung mahal ko habang pinapanood yung ganda ng gabi. Siguro para sa iba boring. Pero wala eh, pag yung taong mahal mo ang kasama mo, walang oras na boring. Lahat ng segundo ittreasure mo.


Sana ganto na lang kami palagi. Masaya. Kuntento sa isa't isa.. Sana..


---

A/n; Oooops! Kung ano ano iniisip nyo sa A night with Cyrus ah? Hahaha. Keep on reading guys. Mahal ko kayo ng sagad!


-cams.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

715 Divided By 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon