Parents

92 7 3
                                    

Xai's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, nanonood ng TV habang ngumangata ng cookies. Nakashorts lang ako na tinernohan ng simpleng t-shirt. Tapos naka messy bun.Hay! Wala akong ibang magawa. Ang boring-_-

Sabado na ngayon kaya natural sa mga teen agers na mag-gala. Pero ako? Eto, NGANGA. Kanina, umalis na naman si mommy tsaka si daddy dahil sa bussiness trip. Akala ko pa naman makakapag bonding kami. Pero sabi ni mommy babawi naman daw sila. I wish.

Kung tawagan ko na lang kaya yung barkada? Ay hindi din pala pwede. Busy din. Si Rachel, tutulungan daw yung little sister niya gumawa ng project, minsan lang topakin yun na tumulong sa kapatid kaya bawal istorbohin, si Gab busy sa family bussiness, ang taray ni Gabrielle, kinacareer yung pagmamanage ng negosyo nila. Hays! Kaya ang yaman yaman nung mokong na yon eh, si Rezyl naman? Hindi pa din kami kinakausap, she texted me right after Mico make a scene, she apologized tsaka nahihiya daw siya samin. Sabi ko naman okay lang, hindi na issue yon..kaso ewan ko ba dun sa loka lokang yon at hindi nagsasama samin, laging kasama eh yung boylet niya, kaya si Mico juskoday! Laging badmood.

Anyways. Mukhang wala talaga kong magagawa. Eh kung magreview na lang kaya ako? Di pwede,alam ko na lahat yon. Ahm maglibot kaya ako sa Park? Mainit, mamaya na lang. Kumain kaya ako? Ay tanga kumakain na ko ng cookies. Enebe! What to do?!

*Bzt bzt*

1 new message from Cyrus ko.

Cy:
"Hi babe;)"

Me:
"Hi:)"

Cy:
"Busy ka today? Anong ginagawa mo?"

Me:
"Ah? Eating cookies?"

Cy:
"Ah okay. Bye babe. Loveyou!"

Me:
"Love you too. Ikaw anong ginagawa mo?"

1 minutes.. 2 minutes.. 15 minutes had passed pero wala pa rin siyang reply. So yon na yon? Tinanong lang kung anong ginagawa ko tapos end of conversation na? Teka, sa tingin ba niya busy ako sa pagnguya ng cookies? Hays.

So talagang buong maghapon akong mabobored nito. Talaga naman oh! Magmall na lang kaya ako? Naaah. Weekend ngayon, daming tao.

*Bzt bzt*
1 new message receive from Cyrus ko.

Cy:
"Babe.. labas ka;)"

Agad naman akong tumayo mula sa pagkakahilata ko sa sofa at nagmadaling pumunta sa main door.

Pero dahil nga anak ako ng isang Scott, pagkalabas ko ng main door, malaya pa yung gate kaya kailangan ko na naman tumakbo. Anak ng! Nagsisi tuloy ako bigla kung bakit ang laki ng bahay namin.

Go Xairine. Takbo! Go go go!

After siguro ng 10 minutes na takbuhan nakarating din ako sa gate. Jusko. Para akong nagmarathon. Pawis na pawis ako, tubig please.

Dumiretso na ako ng gate at agad kong binuksan iyon, Oh my gulay! Tumambad sa akin ang gwapong gwapo na mala-Adonis na may kausap na mga bata. Oh hot. Tubiiiiig! Kung kanina dahil sa pagtakbo ko kaya uhaw na uhaw ako, ngayon naman dahil sa sobrang hot ng lalaking ito na nasa harapan ng bahay ko. Geez. Nakakapanuyo ng lalamunan.

Napansin naman niya kaagad ang presensya ko kaya bumaling siya saakin nang nakangiti.

"Hello Miss Beautiful! Miss me?" Bungad niya sa akin na may kasama pang matamis na ngiti. Gosh! Boyfriend ko ba talaga to? Ang swerte swerte ko naman yata.

"Heh! Miss ka dyan? Magkasama tayo kahapon babe! Baliw to!" Nakapamewang na sabi ko sa kanya. Hayahay. Pero miss na miss ko talaga kaagad siya. Hehe.

715 Divided By 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon