1.UnExpected

130 1 0
                                    

Ito na ang first Chapter :))

Hahaha :D natatawa ako sa ate ko. Nag wo-worried siya baka daw kasi panget ang ginawa namin. Hahaha.

Please vote and comments for my worried unnie :))

-----------------------------

"Okay Class! Dismiss!"

Hayy! Salamat! Natapos din ang pagkahabahabang araw na ito, Nakakapagod.

Ako nga pala si Prince Kyle Soo, Yeah! Tama kayo ng ini-isip, Half korean nga ako.... Di Joke lang hehehe... Pure Pilipino ako, Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan surname ko! Abah! Tanong niyo sa Author! Siya gumawa nito eh. Hehehe.

"Ui Kyle !! Ano ?? Kailan natin gagawin yung project ??"

Haaayyy! Ang ganda niya talaga! Makalaglag panga.

"Ha?..ah bukas pwede ka ? Sabado naman eh walang pasok."

"Ah Oo, pwede ako! Anong oras ba ??"

Teka! Anong oras ba ha? Hmmp.

"Mas maganda kasi pag umaga, mga 8:00 ok lang ??"

"Oo! Ok lang,Saan Tayo magkikita??"

"Sunduin nalang kita sa inyo."

"O sige sige, bukas ha? Bye!"

Nag wave na siya at umalis na.

Siya nga pala si Chloe Andrea Antonio, Ang pinakamamahal kong babae,haha Oo tama mahal ko na agad siya, Simula Elementary kasi classmate ko na siya at simula rin noon crush ko na siya.

Noong Highschool na kami,Parang biglang nagbago ang nararamdaman ko sa kanya, Kapag wala siya hinahanap hanap ko siya,Kapag nandiyan naman siya at malapit sa akin, wala ako magawa kung hindi ang mapatulala at pilit pakalmahin ang sarili ko dahil sa sobrang bilis ng puso ko.

Ang bakla lang eh noh!? Haha hayaan niyo na nagmamahal eh.

Nagtataka ba kayo kung bakit siya lumapit at kinausap ako tungkol sa project namin?? Ganito kasi yun...

FLASH BACK

"Ok class! Sasabihin ko na ang gagawin niyo para sa project niyo." Sabi ni Sir Edison,Teacher namin sa physics."but before that, i will group you into two, I mean i will group you partner by partner."

"Sir! Pwede bang mamili ng partner ?" Tanong ng kaklase kong si Jason.

"No! Im the one to choose your partner!"

"Ayyyyyy !!"
Sabay sabay na reaction ng mga kaklase ko,syempre isa na ako dom.

Tsk ! Sayang,Pagkakataon ko na sana eh.

"Ok lets start! .....

..Mr.Ramos and Ms.Sy,Mr.Cruz and Ms.Asuncion and blah blah blah blah..."

Ang sasaya ng iba kong mga classmate yung iba naman nakasimangot dahil ayaw ang partner nila.

Apat nalang kaming natitira at kasama siya don. Oo tama si Chloe,Ang babaeng lihim kong minamahal. Haha pang bakla lang ang term.

"Mr.Soo and Ms. . . . . . . . . . . .

. . . . Alkuino."

Sa pheriperal vision ko parang nakita ko siyang sumimangot at lumungkot yung mukha though di naman siya nakangiti,
pero baka imagination ko lang yun, imposible naman kasi.

"Ay wait! No! Mr.Soo and Ms.Antonio not Ms.Alkuino! Sorry!"  Biglang sabi ni Sir.
Pagkatapos sabihin ni Sir yun ay saktong nagbell, pero di ako makagalaw dahil sa hindi ako makapaniwalang siya ang partner ko.

"Okay class! Dismiss!"

END OF FLASH BACK

---------------------------------

Hope nagustuhan niyo yung first Chapter ko.

I need Vote and Comment.

Kamsahamnida :))

Passenger Seat (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon