Chapter Eighteen

208 2 1
                                    

Chapter Eighteen

Millard's Point of View

Saturday morning. 5am palang gising na ko. Jogging pag time. Para macho palagi. Putspa, ang lamig lamig!

"Manang, patimpla naman po ng hot choco." Who wouldn't love hot choco, anyway?

"Ay ubos na hijo yung pantimpla natin. Kape nalang ba? Mamaya pa ako mag-grocery."

"Ay sayang naman. Sige wag nalang po. Salamat manang, alis na ko."

Umakyat muna ako para kumuha ng sapatos. Wala na akong t-shirt. Paulit ulit nalang sinusuot ko. Ako nalang din kay bumili mamaya ng chocolate powder? Ako nalang.

*toot toot*

~*~

From: Jason Teng

Tukmol, basketball tayo. Village lang. Kenneth at Harold, nandito na.

~*~

Kung seswertehin ka nga naman. Tropa din namin yan, kababata namin nila Kenneth at Harold.

~*~

To: Jason Teng

Sige, papunta na.

~*~

Ang aga namin nag start. 6 to 8. Nakakapagod pero ang saya sa pakiramdam.

"Wala ata si Cloud?" 

"Ahh, ayaw nun maglaro." -Jason

"Baka busy kay Lena?" Tanong naman ng gagong si Kenneth.

Si Lena? Ano meron sa kanila? Umagang umaga nakakabadtrip.

"Boom, selos!" -Harold

"Aw, sino?" Oonga pala, walang alam si Jason dito.

"Yun oh." Sabay nguso sakin ni Harold.

" Tigilan mo ko, baka gusto mong basagin ko nguso mo."

"Si Lena? Yung nerd?" -Neil

"Uso magkagusto kay Lena no? Makikiuso nadin ako, Par." -Earl

Mga bangag talaga to sila. Mga buset. 

"Taena, napagod ako maglaro. Gutom na ko, tara kain!"

"Boom palusot!"

"Mga gago! Libre ko na, kumain na kayo."

"Wooo! Love you Papa Millard!" -Sila

Pagkatapos ng pagkain, nagsiuwian nadin kami. Ayoko naman alamin kay Lena yung kay Cloud. Di ako clingy no. At saka baka busy siya. 

"Manang, ano pa kulang natin? Ako na bibili, saka para isang bilihan na. Pasabi nadin kila Mom na dun na ko kakain, mukhang umalis ata sila ni Shaina."

"Wala naman masyado, chocolate powder at cereals, mga ganun ba. Ayos na yun. Sige sasabihin ko nalang."

"Sige po, salamat. Pasabi nalang po kay Manong na pahatid ng mga 12. Ligo lang po ako."

Hindi ko maiwasang isipin yung kanina. May gusto kaya si Cloud kay Lena? O may gusto si Lena kay Cloud? Bakit si Lena, palagi naman niyang binubully yun. Ang dami daming pakalat kalat na mga babae diyan, si Lena pa. Nauna naman ako. Tss

The Playboy's NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon