Chapter Nineteen

199 2 0
                                    

Chapter Nineteen

Lena's Point of View

"Finally! We're here!" Oo, kanina pa kasi ako naaatat mag mall.  Ngayon nalang din kaya ako nakapunta dito.

"Para kang taga-bundok ha? Ngayon ka lang nakarating ng mall? Mukha ka namang janitress dito." Di ko talaga alam kung nanay ko ba talaga to. Sobra na makaalipusta sa anak.

"Grabe naman Ma." Pinakitaan ko pa siya ng nasaktang mukha. "Ah, oo nga pala may kaklase akong kasama. Nasa NBS, sunduin ko lang." Bwiset na Cloud talaga yun, bakit kasi kailangan pang sumama. 

"Sino? Lalaki?"

"Si Cloud, Ma. Bakla yun." Serves him right. At least makaganti ako diba? Habang wala pa siya dito. Evil laugh.

"Sabi mo wala kang kilalang Cloud?" Naglalakad na kami ni Mama papuntang NBS. Shocks, oo nga pala. May tumawag sa bahay na Cloud pangalan. Pambihira.

"Ha? Kelan yun? Hanep to si Mama, natanda na talaga."  Ano pa bang magandang way para makaiwas? Edi daanin sa katandaan. >:)

"Pinaglololoko mo ko? Kung hilain ko ngangala mo? Matanda pa ako? Nagsalita ang mukhang 50. Nakakahiya naman sayo anak." See? Nanay ba yan? Nagaampon pa ba si Brad Pitt at Angelina Jolie? Paampon nalang ako. 

"Whatever Motha. Tara, Jollibee oh! Gutom na ko." Seryoso ako, kanina pa ako gutom. Hays

"Tagabuhat ka lang ng groceries kaya kita sinama, assumera!" Sabi niya habang papasok ng Jollibee. Ibibili din naman ako. Ang dami pang sinasabi.

"Alam mo, Ma. Kung binibili mo nalang ako ng fries para matuwa ako sayo." Sabi ko habang niyayakap siya, pinapaalis naman niya ako. "Ang arte neto, nilalambing lang eh!" 

"Lambing mo mukha mo. Yung kasama mo akala ko susunduin mo?" Ay oo nga plaa. Muntik ko nang makalimutan si Cloud. How stupid of me. "Onga pala. Sige sunduin ko lang yung bading."

Pagdating ko ng NBS, nandun na si Cloud. Feeling ko kakarating lang din nito. Saktong nakita niya ako. "Hi slave!" Akma pa siyang hahalik sakin ng tinulak ko ang mukha niya. Wow, ngiting ngiti ang kurimaw, kung kaya ko lang pilasin ang pagmumukha ng taong to. "Kadiri ka!" Sabay hampas ko pa sa kanya.

"Choosy mo ha. Cloud Trinidad na, naarte pa."

"Che."

"Nasan si Tita? Akala ko kasama mo?" 

"Tita? Kelan pa kayo naging close? Nasa Jollibee, nabili. Pinauna ko na sabi ko susunduin kita. Tara na nga." Sabi ko habang hila hila siya sa damit niya.

"Meron din ako?" Paragn bata tong isang to. Ang lakas ng topak, di mo alam kung may split personality.

"Malamang wala, ano ka santo? Bumili ka ng iyo." Ang kapal lang naman kasi ng mukha. Kala mo lahat ng luho niya ibibigay.

"Grabe!"

"Bilisan mo na, gutom na ko." Sabi ko habang nakahawak sa tyan. 

"Wow, sa pagkakaalam ko slave kita. Anong karapatan mong utusan ako?"

"Di ka susunod? Edi dyan ka nalang." Kabadtrip talaga tong ulap na to.

"Hindi sabi ko nga. Tara na Babes."

Whaaaaaaaaaaaaat?

"Leche ka alam mo yun? Tigilan mo ko and please wag na wag mo kong matawag tawag na Babes!"

"Pfft! Itsura mo! HAHAHA! Pulado! Feelingera ka din no?" Sabi pa niya habang pigil na pigil ang tawa.

"Leche ka! Dyan ka na!" Nag walk-out nalang ako. Iwan ko siya dyan, magmukha siyang tanga kakatawa ng walang dahilan. -_-

"Hoy sandali!" Alam kong nasunod siya sakin pero direderetso lang ako sa paglalakad. Di ko na namamalayan yung mga nadadaan ko. Hanggang sa may nakabunggo ako. 

Cloud's Point of View

Nag walk out siya. Pfft. Itsura niya pagkarinig niya ng Babes. Mukhang timang! Nasunod lang ako sa kanya ng bigla siyang matumba. May nakabangga pa, tanga talaga tong nerd na to. 

"Sorry Miss!" Eto din naman isang to, tanga dami dami kasi ng dala ilagay ba naman laaht sa harap niya. Nagkabungguan ang tanga. 

"Shet, sakit!" -Lena

"Sino may kasalanan? Ano ba yan, dami namang tanga dito. Tayo dyan, kahiya ka. Di kita kilala ha." Sabi ko sabay alalay sa kanya, mukha na ngang katulong to nagmukha pa lalong ewan.

"Sorry talaga!" Sabi naman nung isang tanga. Titignan ko sana siya ng napako tingin ni Nerd sa kanya.

"Lena? Cloud?" Oh, si Millard pala tong isang tanga.

"M-millard?" -Lena

"Ay hindi! Hindi kami si Lena at si Cloud, mas lalong di ka si Millard. Ako si Harold, ikaw si Kenneth, siya si Samantha. Obvious ba?" Parang tanga lang silang nagtititigan, kulang nalang dramatic music. Ang aarte.

"Ay di ko napansin." Sabay tayo naman ni Nerd na tanga. Ano to Glee? Kailangan sabay. "Oh buti tumayo ka na no? Kala ko may balak ka pang mag mop ng sahig dyan." Buti nalang di masyadong pinansin ng mga tao yung nangyari.

"Psh. Una na nga ko sa Jollibee, may balak pa ata kayong mag choir dyan. Kairita." Ewan ko naiirita ako, ang arte arte nila. Hindi man lang kumilos ng mabilis, nag eskandalo pa. Hanapin ko nalang si Tita. Sabihin ko naabduct ng monggoloid anak niya.

"Cloud!" -Lena. Gusto ko habulin niya ko. -____-

Naririnig ko yung sigaw niya pero bahala na siya dyan. Bwiset.

Millard's Point of View

Si Lena pala yung nakabunggo ko. Kasama si Cloud. Ano ginagawa nilang dalawa? Nagdadate ba sila? So tama nga yung sinabi ng tropa. Di sa overthinking to pero kasi, ikaw kaya makita mo silang magkasama. Inalayan pa ni Cloud si Lena, sabay walk out.

"Lena? Bakit kasama mo si Cloud?" Sabay harap ko naman sa kanya. Nakatunganga siya sakin, ang cute niya. Bakit ganun? Parang gusto nalang mawala ng mga iniisip ko makita ko lang siya.

"Ha?" Nauutal nasabi niya. "Ano, sumama kasi siya. May bibilhin din ata, napasabay samin."

"Ganun ba? Sige una na ko, sundan mo na si Cloud. Baka magtampo pa yung boyfriend mong yun."

"Millard!" Ayokong makarinig ng paliwanag, baka masaktan lang ako.

---

Author's Note: Team Millard or Team Cloud? What do you think guys? Haha, anyway I dedicate this chapter kay Ate. Nakakatuwa kasi mga comments niya, I don't know kung nagbabasa ka pa nito pero maraming salamat talaga. Kahit ang late ko na para dito. Maraming salamat parin. Nakonsensiya tuloy ako kasi binitin kita. Gomenasai.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy's NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon