THE TRUTH ABOUT.... [1shot]

33 1 0
                                    

ONE SHOT //

\\\\

"Arggh!!"

"Hoy babae? Anong problema mo??" -akisha

"hayss! naiinis ako kish! Tatlong araw na, 3 CONSECUTIVE DAYS KO NA SYANG NAPAPANAGINIPAN!! -___-"

"O Tapos?"

"tss. suportive friend ka talaga!!!"

"Hahaha! Kalerkey! bat mo kasi pinoproblema yun? So what kung 3 CONSECUTIVE DAYS MO NA SYANG NAPAPANIGINIPAN aber??" -mataray na sabi ni akisha sa kaibigan.

"Ewan. Ayoko ng ganito. feeling ko tuloy deads na deads na ako sa kanya.. ARRGGH!" sabay sabunot sa ulo ni Coey

"Friend. speaking of oh." pangusong turo naman ni akisha sa parating.

Napatingin si Coey dun sa tinuro ni Akisha at walang duda.

Si JG ang tinutukoy nito. Ang topic nila. Ang 3 araw na nyang kasama sa panaginip nya.

Nandito kasi sila ngayon malapit sa garden ng school nila at madadaanan ng mga engineering students ang hallway na nakatapat sa garden na ito.

Crush ni Coey si JG kaya hindi pa rin maiiaalis na hindi silayan ni Coey si JG kahit na naiinis sya at napapanaginipan nya ito.

Naiinis sya dahil ayaw nyang napapanaginipan si JG nitong mga nakaraang araw dahil kung patuloy na mangyayari ito ay  

baka tuluyan mahulog na sya kay JG. Kahit na alam nya na hanggang tingin lang sya sa binata..

"Friend. Enough na. waley na sya.."

"Hays. Bat kasi ang gwapo nya? Hayss."

"Suplado naman? tss." saad ni akisha sabay isnab

"Sabagay!" sabay kagat sa kinakain na breadpan ni Coey.

.

COEY' pov

OKAY! May Department Christmas party kami. and GUESS WHAT?

KASAMA ANG ENGINEERING DEPARTMENT!!!!!!! -___-

Dapat Psychology Department lang. Pero dahil ata friendship ang

Presidents ng Engineering at Psychology Department

e kaya naisipan nilang sa iisang venue, iisang araw nalang 

ganapin ang event na yun.

Ayoko mang pumunta pero andito na ako sa conference hall at nakikimeeting, at isa pa, isa ako sa mga member ng Organization ng Department namin..

Pero bakit ba ayokong pumunta?

Wala lang (_ _")

Di ko feel?

OO tama. Di ko feel.. hayss.

"At dahil jan sa malalim na buntong hininga na yan, COEY MENDREZ, you will have your special participation okay?"

"K" wala sa mood kong sabi..

ay teka?

Anu raw?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE TRUTH ABOUT.... [1shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon