Chapter Thirty Eight - February 14

28 3 0
                                    


                         "Cassie's Pov"

Lumipas ang Maraming Araw Madami na ng Nangyare at number two ang lucky Number ko ngayong Taon
Bakit?

Dahil Nakabili ulit ako ng Cellphone
Nung February 2
At Ika-2 ang Model na binili ko
At Ang Crush ko ay the second ang Meaning ng Name Sheyyyt ang harot diba?

At Ngayon Araw na ng mga patay!
Na ngangalat ang mga Naka Pula at ang Mga Puso
Mga Nakakabinging Kakornihan ang Madidinig mo sa Paligid
Sus, Mag bebe-break din kayo niyan
Char Bitter ka Ghorl?

Ang totoong Bitter ay etong Principal namin!
Valentine's day na at Lahat May Pasok pa!
Pero Hayaan na nga
Wala din naman akong gagawin sa Bahay
Uutusan lang ako dun ni Mama Chour

Makalat ang mga Maharot ngayon!
Pati mismong Kaklase namin ang Haharot Heyeop!
Mga walang awa Charot!
Bigayan ng Bulaklak at Chocolates.

Pagalingan mag Pabebe ang mga Babae.
Nakakainis!
Tapos Yung iba may Confession pang nalalaman.
Tapos Yung iba Busy mag sulat ng Love letters para sa Mga Crush nila

At Dahil sa Mga Inspired at May Jowa ang Mga Teacher namin
Hindi na nag Klase kaya Eto ako ngayon kasama na naman etong mga Pangit na toh Char!!

"Sakit sa Mata Puro Puso ang Nakikita ko"Lyn

"Bigayan pa ng Bulaklak ew ano yun Bangkay?"Clarisse

"Undas ngayon wuuuuh~"Ako

Mga Bitter kaming Mga Mag kakabarkada porket di Krina-crushback ng mga Crush

"Sus Paganyan-ganyan kayo Eh may Mga Crush naman kayo. Sulatan ninyo kaya ng Hindi kayo Maging Ampalaya diyan"Blanche

"Tse! Porket Parang Bato ka!"Clarisse

"Luh? Bakit ako? Eh diba ikaw yun? Hahahaha"Blanche

"Luh Nakakahiya yun"Lyn

Sus Siguro na iimagine na neto kung Ano Mangyayare sa Kanya Pag sinulatan niya yung Crush niya

Kamusta na kaya si Eiji?
Simula nung Pasko Hanggang Ngayon Hindi ko na siya Nakikita

Hindi niya pa din Inaaccept yung Friend Request ko

May Ka-date kaya siya ngayon?
May Sinasabihan ng mga Corny lines?
Haysst

Iniisip ko palang yun Parang Kumikirot na Puso ko

Cassie Kelan mo ba tatanggapin na Hanggang Pag Hanga ka lang?

Lahat may Hangganan.
Hindi lahat Umaabot hanggang Dulo,
Kahit na Hindi ka Madaling Sumuko,
Kapag alam mong walang Patutunguhan,
Titigil ka na rin diyan.

Haysst Napa Halumbaba na lang ako sa Arm Chair ko

Haysst Ano bang Feeling ng Mahalin ka din nung Mahal mo?

Nakss Mahal? Hahaha

Ganun talaga kapag Nag simulang Tumibok ang Puso mo para sa Isang Tao.
Hindi Mo namamalayan na Mahal mo na pala yung taong Yun

Haysst Ano ba yan Cassandra Erisse!
Para kang Lasing!

Dahil sa Mga Iniisip ko hindi na ako naka sabay sa mga Pinag sasabi nitong mga toh

"Asaan na ba si Bea? Mag pa-plano tayo ng Gagawin natin mamaya"Lyn

"E di malamang Kasama Manliligaw niya! Baka sagutin niya na"Bitter na sabi ni Clarisse

Pumalakpak si Blanche kaya Napatingin kaming Tatlo sa Kanya

Minsan Kung ano din naiisip netong Babaeng toh
Nahawa na ata sakin?
Hahaha

Falling For YouWhere stories live. Discover now