Chapter Three - Pangalan

53 10 0
                                    

                         "Cassie's Pov "

Sabado ngayon At wala kaming Pasok.
Kaya heto ako ngayon nanunuod ng TV sa Sala

"Cassie"tawag sakin ni Mama

"po?"sagot ko

"Dalhin mo muna ito sa Kuya mo. Hindi kasi yun kumain ng almusal panigurado gutom na yun sa practice nila ng Basketball"Mama

Player kasi si Kuya Sa School nila
Btw mag kaiba kami ng School

"Ma, Tinatamad po ako Tsaka may pinapanuod pa po ako oh"ako

ngayon lang ako nakapag binge watch ng ganito tsaka nasa exciting part na ako oh.

"Hay naku! Araw-araw ka naman Tamad"Mama

"Pfft..hahaha hindi kaya"ako

grabe naman itong si Mama nag linis naman ako kahapon ng bahay ah?

"Sige na Dalhin mo na 'to sa kuya mo Hindi naman Pwede yang si Eros
Napaka bata pa niya"Mama

"Aytss...Mamaya na lang po"ako

Ang ganda na kasi nitong part na pinapanuod ko
grrr wrong timing sa susunod Papakainin ko muna si Kuya ng almusal bago Umalis grr istorbo!!

"Ngayon na"ginamit na ni Mama ang nag babantang Tono Niya

"Sige po mag bibihis lang ako"pag suko ko

Pumunta na ako sa kwarto ko para mag bihis. Maya-maya natapos na din ako, Hindi ko na naiisipan pang Mag ayos ng sarili kasi mabilis lang naman ako dun.
Tsaka as if naman may makikita akong kpop idol dun? Wala naman kaya sino ba sila para pag ayusan ko? char! Nakakatamad lang talaga mag ayos iaabot lang naman ito kay Kuya eh

"Ma! Pwede kong isama si Eros?"ako

"Hindi pwede, Tuturuan ko pa yan sa mga Last Topic nila"Mama

Kinuha ko na yung Pinabaon ni Mama
Lumabas na ko ng bahay at nag hintay ng masasakyan
Maya-maya nakarating na ko sa school nila Agad akong pumasok at pumunta sa Gym

"Hi Cassie!"bati sakin nung isa sa mga kabarkada ni Kuya

"Hi! Asaan si kuya?"ako

"Ah si Stifen? Nasa Locker"sabi niya

"Sige pupuntahan ko lang muna, thank you" nag tungo na ko sa Locker room nila

"Argh! Kuya! Sa susunod kasi kumain ka muna ng Almusal napaka istorbo mo! Alam mo ba na ang ganda-ganda ng pinapanood ko?! Tapos argh! baka mamaya hindi ko na matuloy yun kasi mag aaral na ako o makatulog--"agad kong sinabi yun nung pag kapasok ko ng locker room nila

Kaso nagulat ako Sa nakita ko
Haluh si Kuyang Gwapo........
Teka nag aaral siya dito?! Huwaaah  nagtataka siyang tumingin sakin habang naka upo sa bangko
Agad akong napa tingin sa salamin
Nakakaasar ayan sige Cassie! hindi nag ayos karma mo na yan napaka tamad mo!
Sabog ang buhok ko ni hindi manlang ako nakapag suklay at pulbo!
Waaaah nakakahiya tapos Sumigaw at nag rereklamo pa ko! Baka isipin nito napaka weirdo ko

"Oh Cassie ano ginagawa mo dito?"biglang sumulpot si Kuya

"Ahh ehh a-ano kasi aano"nauutal kong salita

"Ano?"kuya

"Pinapadalhan ka kasi ni mama ng pagkain"

nanginginig na ko at sobrang lamig na ng mga palad ko agad kong ibinigay sa kanya yung Pinabaon sa kanya ni Mama

"Talaga naman si Mama paki sabi Salamat"Kuya

Napa tingin ulit ako sa lugar kung nasaan si Kuyang Gwapo
Tumayo siya at Pumunta sa mga locker Binuksan niya ang isa at kumuha ng Towel
Haluh! Player siya? Oh my g!

"Bye!!"

Tumakbo na ko. nakakahiya talaga

"Hoy Cassie!!!"rinig kong sigaw ni Kuya

At ayun Hindi na ko bumalik dun
dali-dali akong umuwi

"Oh anong nangyari sayo? bakit hingal na hingal ka?"Mama

Tinakpan ko ang Mukha ko

"Waaaah!!!!"ako

"Ate?!"agad na pumunta sakin si Eros

"Napaano ka? may mga bad guy ba sa labas? Asaan sila? Aawayin ko sila" Eros

Na touch naman ako, Napaka bata niya pa Four years old palang siya kaya niya na makipag laban sa bad guys para sakin

"Wala,wala yun hehehe hinabol lang si Ate ng Dogs"ako

"Tara ate May cookies kami na binake ni Mommy" at hinila niya ako papunta sa Kusina

~Fast Forward~

Dumating na si Kuya At si Papa
Nag intay ako ng mga ilang minuto bago pumasok sa Kwarto ni Kuya
Kating-kati na kasi ako malaman kung ano pangalan ni kuyang Gwapo

"Hi Kuya!!" Masigla kong Bati sa kanya naka harap siya sa Psp niya

"Ganda ng Bati mo ah, ano? May hi-hingin ka na naman?"Kuya

"Ay grabe ka naman kuya, 'di pwedeng Gusto ko lang mag lambing sayo?"ako

"Wow! hahaha Alam ko na ang linyahan na yan Cassie, so ano bang Gusto mo?"kuya

Napaka Spoiled ko kay Kuya at Papa
Pero minsan Kontrabida din si Kuya.

"Wala"ako

"Weh? Himala naman ata yan"Kuya

"Hmp!! Grabe ka"ako

"Hahaha ganun ka naman kasi"kuya

"Haysst Kuya~"ako

"Oh?"Kuya

"May itatanong ako"ako

"Hay naku kung Tungkol yan sa Math.
Wag mo kong kausapin Alalahanin mo mag kapatid tayo pareho natin ayaw sa math hahaha"kuya

"Hindi math o anong subject yung itatanong ko"ako

"Oh eh ano pala?"kuya

Aissh paano ko ba 'to sasabihin?
Baka bugahan ako ng apoy eh
Baka malaman niyang Crush ko yung Kuyang Gwapo
Cassie! Kaya mo yan! Para sa Pangalan niya kakayanin mo yan

"Ano kasi itatanong ko kung sino yung nasa Locker room kanina hehe"ako

Tumigil si kuya sa pag Psp at tiningnan ako ng seryoso

"Bakit?? Crush mo? Manliligaw?"siya

"A-ano? Hi-hindi 'no"

"Cassie, bawal pa bata ka pa"
Nag babanta ang kanyang Tono

"Pfft ano ka ba kuya Crush kasi ni Clarisse yun! Oo tama! Crush niya yun pinapatanong sakin ehh hindi ko din naman kilala Hehehe"ako

Clarisse sorry! suportahan mo na lang ako sa aking kaharutan please!

"Ahh 'wag ka muna gagaya kay Clarisse  bawal crush distraction yan sa pag aaral"siya

"Eh bakit ikaw? May jowa e di distracted ka?"ako

"Ibahin mo ko Cassie College na ko"Kuya

"So ano na ngang pangalan niya?hehehe kinukulit na ako ni Clarisse eh"ako

"Eiji Fuentes"sabi niya

Eiji Fuentes..........
Eiji Fuentes.........
Eiji Fuentes.........
Kyaaaaaaah!

"Oh my G! Thank you kuya Bye! Labyu mwah! napaka gwapo mong kuya!"ako

Niyakap ko pa siya bago umalis sa kwarto niya

"Eiji Fuentes....."

nagtatalon ako sa kama ko at nag pagulong-gulong

At ayun ito na naman ang puso ko
yung pangalan niya natatak na sa utak ko

(A/N: Hi! Readers! Sorry for typos & Errors Thank you for reading!)

Falling For YouWhere stories live. Discover now