14 - The Sweetest Thing

2.3K 47 7
                                    

14

THE SWEETEST THING

JADE'S POV

Mabuti na ang pakiramdam ko after two days of rest. Naisipan kong puntahan si Jake. Wala rin siyang pasok for sure. Saturday e.

Nakailang katok ako bago niya binuksan ang pinto.

"Good morning, Jake!" bati ko at dire-diretso akong pumasok sa unit niya.

"Good morning, Jade. May problem ba?" nagtatakang tanong ni Jake.

Nilingon ko siya at nginitian. "Wala. nabo-bore kasi ako sa unit ko. Pede dito muna ako?"

"Sure. Have a seat. Nagbreakfast ka na ba?"

"Hindi pa nga e."

"Tamang-tama. I'm preparing breakfast," sabi niya saka nagpunta sa kitchen.

Noon ko lang napansin na naka-apron pala siya. Bagay na bagay sa kanyang maging chef. Ang macho at ang gwapo niyang chef.

Ilang sandali akong naupo sa sofa.

Nakakainip maghintay. Tumayo ako at tiningnan ang mga nakadisplay sa unit niya.

Mahilig din pala siya sa mga paintings. Napaka-cozy ng unit niya. Masculine na masculine ang dating. Pati ang combination ng colors, ang ganda.

Sumilip ako sa kitchen niya. "Hey handsome, matagal pa ba yan?" tanong ko.

"Tapos na. Iseserve ko na lang. Maupo ka na dyan."

"Okay. Mukhang masarap ang breakfast na niluto mo a. Amoy pa lang, nakakabusog na."

"Bola. Simpleng ham and egg lang yan."

Napangiti ako. Hinubad niya ang apron at naupo sa tapat ko.

"Let's eat," yaya niya.

JAKE'S POV

Tuwang-tuwa akong panoorin si Jade habang kumakain siya. Mukhang nasarapan siya sa simpleng breakfast na niluto ko. Paminsan-minsan kasi, nahuhuli ko siyang sumusubo nang doble at ngumunguya nang mabilis. Kapag napapansin niya naman na nakatingin ako, binabagalan niya ang pagkain at poised na poised pa siya.

Mr. and Ms. Complicated (Complete)Where stories live. Discover now