07 - The Social Network

2.4K 44 7
                                    

►Author's Note◄

For someone whose support is neverending and whose votes are so generous. Even without the comments, we do feel so flattered and appreciated with our works.

- Mike

____________________________________________________

07

THE SOCIAL NETWORK

►JAKE'S POV◄

"Here's your coffee, Sir," sabi ni Jessica sa akin. Inilapag niya yung tasa sa ibabaw ng desk ko.

"Thank you, Jess," sagot ko, hindi siya tinitingnan.

Busy ako noon. Nakatitig ako sa screen ng laptop ko. Yun nga lang, hindi official business ang pinagkakaabalahan ko.

Sa screen, nakadisplay yung facebook profile ni Ms. Jayden Estelle Salonga, si Taray, my sexy but bitchy neighbor, business rival, and project partner.

Partner? angal ko sa sarili ko. Nakakasuka.

"Anything else you need, Sir?" tanong ni Jessica.

Tiningnan ko siya out of gratitude.

Nakangiti siya, pa-cute na ngiti.

Sa loob-loob ko, maganda siya. Pero mas maganda si Taray sa kanya.

What? angal ko ulit sa sarili ko.

Napailing na lang ako.

Ibinalik ko yung pansin ko sa profile ni Ganda, este, ni Taray pala.

Wala namang nagbago sa profile niya mula nang una kong nakita iyon. At dahil hindi niya naman ako facebook friend, siguradong hindi ko makikita yung iba pang details sa account niya.

Hmm... Papano ba niya ako magiging friend? tanong ko sa sarili ko.

Aha! May naisip ako.

Hinanap ko yung facebook account ni Jeff Chua. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap noon. Actually, wala ring kalaman-laman yung account niya.

Nag-copy-paste ako ng mga details sa account niya, pati na yung profile picture niya. Gumawa ako ng bagong account. Inilagay ko yung mga details. Dinagdagan ko ng mga imbentong additional info. Presto! Isang poser account ni Jeff.

Pagkatapos, gamit yung poser account na yon, nag-friend request ako kay Taray.

Tingnan ko lang kung hindi ko makita yung buong facebook profile mo ngayon, sabi ko sa sarili ko.

Mr. and Ms. Complicated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon