Chapter 11

18.7K 857 204
                                    

Hirein's POV

Napatigil ako sa akmang pagpasok ng  makita ko ang buong SE na nasa sulok kung saan nakaupo sina Clint at Cris.

Hindi maingay. Hindi magulo. Payapa. Isa lang ang masasabi ko.

Isang Himala.

Pansin ko rin ang pagiging seryoso nila, mukang seryoso ang pinag-uusapan nila, ah.

"Ehem! Busy! Busy!" Pag-epal ko, masyado kasing seryoso ang mga mukha nila.

Napatingin naman sila sa akin. Nagulat na lang ako ng patakbong yumakap sa 'kin si James na sinundan ni Jinjin, Kyle at Eyan. Lalong nangunot ang noo ko. Anyare sa kanila?

Narinig ko pa ang mahinang paghikbi nung apat .Ano ba talagang nangyayari?.

"Huy! Anyare sa inyo?" Tanong ko habang nakayakap pa rin sila. Hindi sila sumagot. "Huy! Anyare sa inyo?" Pag-uulit ko, kumalas sila sa pagkakayakap sa 'kin at pinunasan ang luha nila.

Sinilip ko sila Cris, mga nakayuko ang iba habang siya naman ay nakatingin sa akin at kapag nagtatama ang paningin namin ay umiiwas s'ya ng tingin. Si Clint naman ay nakatingin sa akin at nang magtama ang paningin namin ay agad akong nag-iwas.

Lumapit ako sa teacher's table at umupo doon. Pinag krus ko ang braso ko at isa isa silang tinignan.

Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang pasa sa mukha ni Cris kahit may cream na kakulay ng balat n'ya. Ganon din ang iba.

Tinignan ko naman ang iba at agad akong nagtaka dahil suot nila ang mga coat nila. Hindi naman sila mahilig magsuot ng coat ah? Bakit may suot sila? Agad na nanliit ang mata ko.

"Hubadin n'yo ang coat nyo?" Gulat silang tumingin sa 'kin.

"Pero—" Pinutol ko ang sasabihin ni Kyle ng magsalita muli ako.

"Walang pero pero! Hubad!" Sabi ko habang seryso ang mukha nila. Napakamot naman sila sa ulo nila at dahan dahan na hinubad ang coat nila.

Napataas ang kilay ko ng makita ko ang mga sugat sa mga braso nila. Nakayuko muli sila.

"Nakipag-away ba kayo?"

"Hindi! Nadapa kami." Agad naman na siniko ni Eyan si JinJin.

"Ang totoo talaga n'yan ay naghabulan kami." Sabi naman ni Kyle, agad siniko naman s'ya ni James.

"Nanood kasi kami ng rumble, kaya naparamble din kami." Siniko naman ni JinJin si Eyan.

"Hirein, puwede humingi ng favor?" Siniko ni Kyle si James.

"Ano 'yon?"

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Where stories live. Discover now