Chapter 6

21.5K 936 205
                                    

HIREIN'S POV

Kanina pa ako hindi mapakali at kanina pa ako patingin tingin sa cellphone ko. Inaantay ko kasi ang text ni Matt, boyfriend ko.

Two years na kami ni Matt at sa mga nagdaang araw ay ngayon lang s'ya hindi nagtext sa'kin. Ay mali pala. Simula ng pumasok ako dito sa university na 'to.

Ilang araw ko na s'yang tinetext at tinatawagan pero wala s'yang sagot kahit isa. Nag-aalala na ako sa kan'ya ng sobra.

Hindi rin ako tinetext o tinatawagan ni Mika simula rin ng pumasok ako dito sa Grillian University.

Iniisip ko na lamang na busy silang dalawa, kaya hindi nila nasasagot ang mga text at tawag ko.

Binuksan ko muna ang face book ko dahil ilang araw rin ang hindi nag-oonline dahil masyado akong busy.

Agad na nangunot ang noo ko dahil nagpost si Mika ng picture nilang dalawa ni Matt na nasa isang beach. Agad naman akong napanguso at nagtipa.

Daya nyo! Hindi n'yo ko sinasama:(

Ilang sandali pa ay nagreply si Mika sa comment ko.

Sorry sis, masyado ka kasing busy. Napag-isipan namin ni Matt na h'wag ka munang istorbohin kaya hindi kana namin inaya.

Puwede naman nila akong tanungin kung gusto kong sumama, para na rin makapag relax ako kahit sandali lang. Pero bakit di nila ginawa?

Hindi na ako nagreply pa at scroll lang ako ng scroll hanggang sa makita ko ang post na picture ng isa sa barkada ni Matt.

Parang kinurot ang puso ko ng makita ko na ang kahalikan ni Mika at si Matt? Hindi ko sigurado kung si Matt ang kahalikan ni Mika dahil malabo ang kuha ng litrato.

Iniisip ko na lamang na boyfriend ni Mika 'yon dahil pareho sila ng hair cut ni Matt, kaya hindi ko puwede na pagbintangan si Matt ng walang pruweba.

May tiwala naman ako sa kan'ya na hindi s'ya magloloko dahil simula ng maging kami at tumino na s'ya dati kasi s'yang play boy.

Agad akong nagcomment sa post ng kaibigan ni Matt.

Naks naman @Mika .

Ang gaga pinusuan lang.

Matalik kong kaibigan si Mika simula bata ay magkaibigan na kami, nakilala ko s'ya dahil ipinagtanggol ko s'ya sa mga batang nambubully sa kan'ya. Kaya sinabi ko sa kan'ya na maging magkaibigan na lang kami para wala ng mambully sa kan'ya at para na rin may tagapagtanggol s'ya. Kaya simula sa araw na iyon ay super close na namin.

Nagbago lamang ang ugali nya ng ipakilala ko si Matt bilang boyfriend ko. Lagi na lang s'yang nagsusungit at lagi s'yang busy kapag inaaya ko s'ya na mamasyal kami.

Bumalik lang ako sa realidad ng may magsalita sa gilid ko.

"Saang bansa na nakadating 'yang isip mo?"

"Ay, palaka!" Sabi ko ng dahil sa gulat. Tumawa naman s'ya ng malakas na ipinangunot ng noo ko. Bago ko lang s'ya nakita dito. Transfer ba sya?

"Hi." Nagulat na lamang ako ng may mag salita sa kabilang gilid ko naman. Nang dahil sa gulat ko ay nasampal ko 'yung nagsalita.

Sa sobrang lakas ng sampal ko ay nag echo ang tunog nito sa room, dahilan para mapatigil ang iba sa paghaharutan at mapatingin sa gawi namin.

Nagulat na lamang ako dahil hindi ko kilala yung lalaking nasampal ko. Hawak nang dalawang kamay n'ya ang pisngi na na sampal ko at halatang nasaktan s'ya dahil namumula ang buong mukha n'ya.

Tumawa naman ang lahat maliban kay Clint at sa'kin na naguguluhan pa rin.

"Pag kasi nangingibang bansa ang utak n'ya h'wag kayong basta-basta na magsasalita at susulpot." Sabi ni James habang natawa pa rin.

Humarap naman ako dun sa nasampal ko. Hanggang ngayon ay napapangiwi s'ya sakit.

"S-Sorry,ha? H'wag ka kasing basta-basta na susulpot sa tabi ko at nagsasalita, magugulatin kasi ako." Sabi ko habang nakaharap sa kan'ya. Ngumiti naman s'ya.

Halos wala na s'yang mata kapag nakangiti s'ya, para lang si James.

"Okay lang 'yun, ako nga pala si Jinjin, but you can call me Jin." Nakangiting pakilala n'ya sabay lahad ng kamay. Parang hindi na s'ya nasasaktan sa pagkakasampal ko.

"I'm Hirein Abigail Cross, but you can call me Hirein." Sabi ko sabay shake hands kami. Ngumiti kami sa isa't-isa. Ang cute n'ya.

"Ako naman si Kyle." Sabi nung nasa kabilang gilid ko. Muntik na ng muli akong makasampal kung hindi lang nahawakan ni Jin ang kamay ko. "Nagulat ba kita?Hehe,s orry." Sabi n'ya sabay piece sign.

"Hayss." Nasabi ko na lamang habang nakaharap sa kan'ya.

"Uulitin ko. Ako nga pala si Kyle." Sabi n'ya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon.

"Hirein Abigail Cross." Sabi ko habang makikipag shake hands sa kan'ya. Agad naman na nangunot ang noo ko ng ngumiti s'ya.

Katulad na katulad ni James sina JinJin at Kyle. Kapag nakangiti at nawawala ang mga mata nila at ang cu-cute nila. Isama pa natin 'yung mga dimples nila.

Magkakapatid ba sila?

Sa mukha pa lamang nung dalawa ay halatang siraulo rin katulad ni James. Alam ko na ang style nila mga bulok.

Sa unang tingin mo pa lamang kay Jin ay halatang makulit ito ay maingay. Gano'n din si Kyle.

Halata rin na masayahin at palangiti sila. Katulad na katulad sila ni James. Siraulo.

Isip bata.
_______________________________________________________________________________

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon