Chapter 7

1K 46 3
                                    

3rd person's POV

Napasigaw ng malakas si Hazel nang makitang nakaangat na mula sa sahig ang paa ni Adara. Ang ibang mga nanonood ay nakaramdam ng takot kay Akane. Walang tsk ang kayang gawin iyon, lalo pa at babae siya!

Sinong normal na tao ang sasakal sa iyo, bubuhatin ka pataas at maiaangat ka mula sa lupa? Wala. Isa pang katanungan dito ay kung bakit siya sinakal ni Akane.

"Akane!" Nagsilapitan ang mga ito sa pwesto nilang dalawa. Kitang-kita ang panggigigil kay Akane at parang ang laki ng galit niya sa babaeng nagngangalang Adara.

Biglang umawat si Denver pero napakalakas ni Akane at hindi mo aakalaing babae siya. Nang biglang umawat si Dave ay galit itong tinignan ni Akane at si Adara naman ay nahihirapang huminga dahil sa pagkakasakal sa kaniya.

Biglang tumalsik si Dave ilang metro mula sa kanila at napasadsad sa lupa dahil sa lakas ng pagkakawakli sa kaniya ni Akane. Napaawang ang labi nila sa nasaksihan.

Isa lang ang tanong na umiikot sa mga utak nila ngayon. Paano niya napatalsik nang ganoon na lang si Dave?"

"Akane! Bitawan mi si Adara!" Sigaw ni Denver sa kaniya pero parang wala itong narinig. Nanlilisik ang mga mata nuting nakatingin sa babaeng sakal-sakal niya. "Bakit ka naparito? Anong pakay mo?" Seryoso niyang tanong.

Biglang kinilabutan si Hazel nang marinig ang boses ni Akane. Parang hindi siya iyon. Hinawakan ni Ryle ang kamay at pinisil iyon.

"Akane? Bitaw na, ano ba? Natatakot na kami sa iyo," aniya sa malambot na boses.

Biglang inihagis ni Akane si Adara at tumilapon ito sa may pwesto ni Dave. Napaubo ito at napahawak sa leeg nang makabangon. Nakayuko lang ito at may lihim na ngisi na tanging si Akane lang ang nakakita.

"Why did you do that?!" Galit na bulyaw ni Denver kay Akane pero tinignan lang siya nito ng malamig. Walang kahit anong emosyon ang magbabasa rito at talagang manlalamig ka dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'yo.

Tinignan ni Akane si Adara kunwari ay naiiyak dahil sa natamong pinsala. "M-May nagawa ba akong kasalanan sa iyo, Miss?" Tanong ni Adara nang mag-angat ito ng tingin. May paiyak-iyak pa itong nalalaman.

Napahagalpak ng tawa si Akane dahil sa tanong niya. Nakatingin lang sa kaniya ang mga kasamahan niya at nagtataka kung bakit ganiyan ang asta niya.

Sa ilalim ng buwan kitang-kita nila kung paano nagbago ang kulay ng mga mata ni Akane. Mula sa berde ay naging ginto ang isa sa mga mata niya. Imposible!

"At ako pa ang tatanungin mo niyan, Adara?" Sarkastikong tanong niya dito saka patalon na bumaba sa entablado. Hindi nito inalintana ang heels na suot-suot ngayon.

Nakasunod lang ng tingin ang mga kasamahan nila at nakikinig sa palitan ng bawat salita. "N-Ngayon lang naman tayo nagkita, bakit ang laki ng galit mo sa akin—"

"Huwag mong painitin ang ulo ko, Adara, kung may pakay ka sa mundong 'to, itigil mo na iyan. Saka na kita babalikan kapag naayos mo na ang sira mo sa utak," putol niya dito at tinignan si Denver.

"Ayaw ko ng maging utusan mo, magmula ngayon malaya na ako mula sa iyo at kalimutan mo ng may Akane kang nakilala, alam kong pampalipas oras mo lang ako, at wala akong karapatang pagsabihan ka sa mga nais mo. Sana kapag nagkita tayong muli ay wala na itong nararamdaman ko para sa iyo," litanya nito at tinignan sina Hazel na nakamaang lang sa kaniya.

Did she just confessed? But then walang pakialam ang lalaki.

Tumalikod ito at sinipa ang upuang nasa daanan niya at tumalsik ito kung saan. Samantalang si Ryle naman ay hinabol siya. Hindi niya hahayaan na umalis ito nang nasa ganoong sitwasyon.

My Maid Is A Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon