Chapter 6

1K 51 0
                                    

3rd person's POV

Malakas na sigawann ang bumalot sa buong gymnasium nang tawagin na ang mga contestant. Bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang gustong manalo. Halos maputol ang litid nila sa leeg dahil sa kakasigaw maipakita lang ang suporta nila da bawat kalahok.

Isa-isang nagsilabasan ang mga kandidata at kaniya-kaniya ring sigaw ang mga manonood. Natahimik ang lahat nang nakita si Akane.

Nakangiti ito gaya ng itinuro sa kaniya ni Hazel. Animo'y parang anghel ito na nagmula sa langit dahil sa pagiging maamo ng mukha nito. Ang ganda niya ay tila walang kapantay.

"Fuck, si Akane ba iyan?" Di makapaniwalang tanong ni Josh. Parang mga timang ang mga ito dahil sa pagkagulat. Walang nag-akala na ganito pala kaganda si Akane.

"Shit, bakit ba kase kailangang iyan ang suotin niya?" Inis na tanong Denver.

"Here is Akane Devon of Sophomores!" Sigaw ng emcee. Napuno ng sigawan ang gymnasium at puro pangalan ni Akane ang sinisigaw nila.

"Innocent baby of sophomores, slay!"

Kung ano ano pang mga tinawag nila kay Akane. Nag-umpisa nang maglakad si Akane suot-suot ang 5 inches heels. Likas na matangkad si Akane kaya naman mas lalong tumangkad ito ngayon.

Biglang rumampa si Akane sa kalagitnaan na nagpahiyaw ulit sa mga manonood. Napaawang ang bibig ng apat na lalaki na sina Kristoff, Josh, Ryle at Denver sa nasaksihan.

Rumampa Ito na parang bang isang eksperto sa mga beauty pageant, fierce and bold type chic ang aura ni Akane. Malayong-malayo sa inosenteng dalagita na nakasanayan nila.

"Oh, good heavens, ang ganda niya," di makapaniwalang sambit ni Josh. "Babes ko iyan!" Bigla niyang sigaw kaya napatingin sa kaniya si Akane at nag flying kiss.

Biglang nasapo ni Josh ang dibdib dahil sa gulat. Napatingin sa kaniya sina Ryle na tatawa-tawa. "N-Nakita niyo iyon? N-Nag flying k-kiss siya sa akin," manghang sambit niya.

Si Denver naman sa kabilang dako ay Hindi maipinta ang mukha.

"Nag flying kiss kay josh pero sa akin hindi?" Bulong niya nagpatawa Kay Ryle.

"Gago ka, Josh," naiiling na sabi ni Kristoff saka tumingin ulit sa stage kung saan ang mga kandidata.

"P-Parang h-hihimatayin ako, ang babes ko, dalaga na talaga siya!" Naiiyak niyang sabi habang nakatingin kay Akane na malawak ang ngiti. Siya ang panghuling kandidata at nagtipon na sila sa harap ng stage.

"Sino ba ang nagturo sa kaniya ng flying kiss na iyan?!" Inis na reklamo ni Denver at halos napasabunot ito sa buhok.

"Ako, bakit may angal ka?" Sagot ni Hazel mula kung saan. Napatingin sa kaniya ang apat kaya naman nailing lang ito.

"Sa swimsuit ay kailangan niyong mag-ingay, ha. Kapag hindi si Akane ang nanalo ngayon, sasapakin ko kayo isa-isa. Mag cheer kayo!" Inis na sabi niya saka bumalik sa backstage para pagbihisan si Akane.

"Contestant number eight!" Anunsiyo ng emcee. Walang ano-ano'y rumampa si Akane palapit sa kaniya. Hindi mo iisipin na dalawang araw lang siyang nag-ensayo para diyan.

"Mic test," aniya. Tumingin ito sa audience at nilibot ang paningin. Huminto ito kay Denver bago huminga ng malalim at inayos ang postura.

"Good evening ladies and gentlemen, this is Akane Devon, the innocent baby of sophomores!" Pagpapakilala niya sa lahat saka ngumiti.

Kahit na hindi man mantindihan ni Akane ang mga sinabi niya ay todo ngiti ito at hindi ipinahalatang kinakabahan siya. Iniisip niya kung Tama ba iyong mga sinabi niya dahil kung hindi ay talagang ikakahiya niya iyon.

My Maid Is A Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon