CHAPTER TWENTY FOUR

228 14 1
                                    

From: Del
Saan ka? Nagpunta akong music pero wala ka.

Agad akong nagreply sa kanya nang mabasa ko ang text na iyon.

Nakatambay sa org room :( Kumain na ako kasama ni Justin.

Pagkasend ko ng message na iyon ay muli kong tinuon ang atensiyon ko sa binabasa ko. Mukhang tama yata ang desisyon kong sumali sa kanila. Nagkaroon ako ng instant background music habang nag-aaral dahil ang ilan sa kanila ay nagkakantahan.

"Austin, bakit ngayon ka lang?" Natigilan ako nang marinig kong tinanong iyon ng isa namin ka-org.

He's here...

Napatingin ako kay Justin at agad naman niyang naintindihan ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Hi guys! Sorry, nagmake up class 'yung isa naming prof." He said as he take the seat near me.

"Ano na nga ulit 'yung kinakanta natin kanina?" Tanong ni John.

"Why can't you hold me in the street...." Pagpapatuloy na kanta ng isa sa kanila habang tinutugtog ang gitara.

Wow. What a coincidence?

Tinignan ko si Justin ngunit sa pagtingin kong iyon ay nagtama ang mga mata namin ni Austin.

Awkward. Sobrang nailang ako hindi lang dahil sa presensya niya ngunit dahil na rin sa kantang kinakanta ngayon.

"Bakit naman ganyan kinakanta niyo? Kanina pa brokenhearted songs, ah?" Pagpapatigil ni Justin sa mga ito.

"Suggest ka nga. Nauubusan na rin kami, eh." Sagot ni John dito.

"Pahiram ng gitara."

I am so glad na sobrang sensitive ni Justin sa emotions ko. He knows too well na sobrang matatamaan ako lalo sa kinakanta nila kaya't pinatigil niya ang mga iyon.

Hindi naman ako naging kabit but every time na tumutugtong ang Secret Love Song, ramdam na ramdam kong nagkaroon ng punto sa buhay kong pinagkaitan akong maging malaya.

"Tonight, a candle lights the room." Pagsisimula niya. Natuwa naman ako dahil alam ko ang kanta. Tinignan ako nito na parang nagtatanong kung alam ko ba kaya't tumango ako.

"Tonight, there's only me and you." Pagsabay ko sa kanya. "Your skin like gravity is pulling every part of me. I fall - you and I collide."

"Uy may tao sa labas." Turo ni Austin kaya't napatingin kaming lahat doon. Nagulat ako nang makita ko ang mga kaibigan ko na nakatayo sa labas.

Agad akong lumabas upang puntahan sila.

"Uy! Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

"May buy 1 take 1 emerut sa milk tea ngayon. Eh tatlo lang kami so hinanap ka namin para ibigay sa 'yo 'yung isa." Paliwanag ni Mau.

"In fairness ah. Ang effort namin para hanapin ka." Dagdag ni Aya dito.

"Hala thank you. Magkano babayaran ko?" Tanong ko.

"Sira! Wag na. Buy 1 take 1 nga so normal price lang binayaran ko." Pagtanggi ni Del sa akin.

"Sana all! Kay Del na lang pala sana ako nakipaghati para libre na ako." Biro ni Mau kay Aya.

"Aba aba? Pambili ko pa to ng siomai mamayang gabi." Sagot ni Aya dito kaya nagtawanan kami. Sayang nga naman 'yon.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Del sa akin.

"Dito na ako nag-aaral para makilala na rin mga kaorg ko. Parang nasa music lang ako pero mas maingay nga lang. Okay na rin kasi at least walang sasaway sa amin." Paliwanag ko rito.

"Ay true! Kanina sa library nagsshh sa akin 'yung librarian doon eh ang hina-hina pa nga ng boses ko." Reklamo ni Aya na tinawanan naman ni Del.

"Gaga ka kasi. Nasa library ka pero mga hanash mo Asia's Next Top Model." Bwelta ni Mau dito.

"Ang ganda ng posing talaga kung makita mo lang." Depensa ni Aya.

"Anyways, ang aga pa. Saan tayo tatambay?" Tanong ni Del sa amin.

"Dito na lang sa labas ng org room namin." Sagot ko rito sabay turo sa lamesa malapit sa amin.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now