CHAPTER EIGHT

380 14 0
                                    

Dahil sobrang nahihiya ako sa abalang dinulot ko kay Justin, nagpaGrab Food ako ng milktea dahil ayaw ko namang pwersahin ang paa ko upang maglakad pa sa labas ng dorm. Nang dumating ang inorder ko ay lumabas na ako upang pumunta sa kwarto niya. Mabuti na lang at same floor lang pala kami kaya't hindi na malayong lakaran ang gagawin ko.

Hindi pa man ako kumakatok sa pinto ay rinig ko nang tumutugtog siya ng gitara dahil sa lakas nito. Naisipan kong bumalik muna sa kwarto ko upang hindi siya maabala ngunit pagtalikod ko ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

"Sam, right?" Tanong nito pagkakita sa akin.

"Yup." Nag-aalangan kong sagot. "Saan nga tayo nagkakilala?" Tanong ko upang masagot na ang tanong sa utak ko.

"I'm Albert, kabanda ni Justin." Nang sabihin niya iyon ay naalala kong doon nga kami nagkakilala sa pavilion sa labas ng shower room. "Bakit ka nga pala nandito?" Siya naman ang nagtanong sa akin.

"Ibibigay ko lang sana kay Justin pero mukhang busy kasi siya." Sagot ko habang inaangat ang milk tea na dala ko.

"Actually, I think he'll like it if you go inside." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon dahil bakit naman magugustuhan ni Justin, eh kakagaling ko lang diyan kaninang umaga?

"Huh?"

"We've considered your input for our song. Ni-revise na namin 'yung areglo pero i-popolish pa lang sana namin ngayon so I feel like you can still give an input for it." Paliwanag nito. "Well, that is if you're not busy." Habol nitong sabi sabay kamot sa batok and I can't really deny na sobrang cute niya noong ginawa niya 'yon.

"Sure." Pagpayag ko rito. Hindi rin naman ako makakaaral dahil sobrang sama pa rin ng pakiramdam ko dahil sa alak kaya't imbis na walang gawin sa dorm ay maganda nang at least may kasama naman ako kahit papaano.

"Nice. Sana magustuhan mo kasi ang tagal naming pinagtalunan 'yan." Natatawa nitong kwento kaya't tumawa na lang din ako.

Kumatok na siya sa kwarto ni Justin at agad naman nitong binuksan ang pinto.

"Uy, Sam! May nakalimutan ka ba?" Bakas sa mukha nitong hindi niya inasahang babalik ako ngayong araw din mismo.

"Wala naman." Sagot ko rito. "Gusto ko lang sanang magthank you sa ginawa mo kagabi pati kanina." Paliwanag ko rito sabay abot ng milk tea.

"Hala? Hindi naman kailangan niyan, uy!" Pagtanggi niya.

"Magkakadiabetes ako kapag ininom ko 'tong pareho." Biro ko rito upang tanggapin niya ang binibigay ko.

"Sige na nga. Salamat, Sam!" Nakakatawang tignan na kahit mukhang labag sa loob niyang tanggapin ay tinanggap pa rin niya dahil wala rin naman siyang magagawa. Whether he likes it or not, kanya na talaga 'yon dahil wala akong planong uminom ng dalawang milktea ngayon.

Maya-maya ay umubo si Albert sa tabi namin upang kunin ang atensiyon ni Justin.

"Baka naman pwede mo kaming papasukin, sir?" Biro nito kay Justin kaya't umalis ito sa pintuan upang makapasok na kami.

"Sorry na, boss." Pagsakay nito sa biro ng kaibigan kaya't nagtawanan kaming tatlo.

"Makikinig pala si Sam sa bagong areglo natin para alam natin kung may dapat pa bang baguhin o ayos nang ganyan." Paliwanag ni Albert kung bakit muli akong bumalik sa dorm ni Justin.

"Mag-aaral pa 'yan, sira! Nang-istorbo ka pa." Puna ni Justin dito dahil sinabihan ko siya kaninang mag-aaral yata ako pagkauwi ko kapag ayos na ang pakiramdam ko ngunit hindi pa rin talaga ako okay kaya paniguradong hindi rin ako makakapag-aral nang maayos.

"Ayos lang. Hindi pa rin naman ako okay so ayaw ko namang piliting mag-aral." Ako na ang sumagot para kay Albert.

"See? I told you." Pagyayabang ni Albert sa kaibigan dahil tama ito. "Nasaan na ba kasi si Martin?"

"Kanina pa on the way 'yon. Baka on the way sa cr." Biro ni Justin dahil wala pa ang isa nilang kabanda.

"Nandito na, sir!" Isasara na sana ni Justin ang pinto ngunit biglang sumulpot doon si Martin na may bitbit na gitara kagaya ni Albert.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon