12~ Irritated

20 0 0
                                    

<Clark's POV>

"Lyra! Lyra! Pakopyang assignment."

"Oh"

Himala! Papakopyahin nga ako?! Ano kayang nakain nito at naisipang pahiramin ako ng notebook niya. Bahala na kung anumang rason niya at pinakopya niya ako basta ako, gagawin ko na ang dapat kong gawin.

"Salamat!"

Habang nagsusulat ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa side ni Lyra. Noong isang ko pang napapansin niya ang lungkot lagi ng expression ng mukha niya. Dahil sa curiosity, tinanong ko sa mga kaibigan niya kung may pinagdadaanan ba si Lyra ngayon. Sabi lang nila na hayaan ko na muna si Lyra at time out muna sa pang-aasar.

Syempre dahil MABAIT at MASUNURIN ako, hindi ko muna ginugulo si Lyra PERO may ibang nanggugulo sa akin.

lunchbreak

"Claaark~" (a/n: in a malandi tone) Eto na naman po tayo. Alam ko namang gwapo ako at habulin ng babae pero sa lahat ng humahabol sa akin sa KANYA ako pinaka naiirita.

Minabuti kong hindi na lang pansinin yung tumawag sa akin. Pero para namang may mapapalayo ko yang babaeng yan sa hindi pagpansin sa kanya. Lalapit at lalapit pa rin naman yan.

"Hi~" Clark tuloy lang sa pagkain. Tiwala lang, lalayas din yan. Tandaan mo ang motto mo ngayon, Patience is a Virtue.

"Hey Clark. Pansinin mo naman ako~"

"Baliw"

"Baliw sa'yo" Agad akong napatingin sa kanya. Ang lakas naman ng pandinig nito. Binulong ko na nga lang narinig pa.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Pinatili kong kalmado ang boses ko kahit gusto ko ng ipagtabuyan ang babaeng to. Kyao kayang sundan ng babaeng to. Kahit saan mang parte ng school ako magpunta laging nakasunod. Daig pa ang stalker. Kung ang stalker patago kung sumunod, eto naman talagang bulgar. Buti na nga lang at hindi siya nasunod sa boys CR. Kahit papaano ay may kahihiyan pa naman sa katawan.

"NO. NEVER."

"Bahala ka sa buhay mo." Mukhang dapat paltan ko na ang motto ko dahil nauubos na ang pasensya ko. Umalis na ako ng cafeteria and as expected may buntot na naman ako.

Lord ganito na po ba talaga kalakas ang charms ko at nasobrahan din po ba ako sa kagwapuhan para mangayari sakin ito.

Kung tumakbo kayo ako. Siguro naman hindi na'to makakasunod. One! Two! Three! Takbo!

makaraan ang ilang minuto

Na- - na- - nakakapagod

"Clark, water oh"

o_____________o Paanong- - - -?

"Bakit ka pa kasi tumakbo ayan tuloy napagod ka pa" pinupunasan niya ang pawis ko habang sinasabi yan.

"Itigil mo nga yan! Ano bang kailangan mo ha?!"

"Ikaw ang kailangan ko."

"Pwes! Ako, hindi kita kailangan! Maghanap ka ng ibang aabalahin dyan at hwag ako ang guluhin mo!"

"So you're playing hard to get, huh? You know, i'm more attracted to boys who likes to play being hard to get"

"I don't care"

"Eto lang ang sasabihin ko sayo Clark. Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko at lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Pagbibigyan kita ngayon. Hindi muna kita susundan pero NGAYON lang yon. Bye! See you tomorrow!"

Kailangan ko na atang lumipat ng school kasi mukhang hindi ako titigilan nito.

Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Lyra.

Persephone Jimenez........ isang taong dapat IWASAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Like Love Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon