4~ Community Service

62 2 1
                                    

<Lyra's POV>

NAKAKAINIIIIIIIIIIIISSSSSSS!!!!!!!

Ikaw ba naman pagtripan lagi ng Clark na yan.

Walang patawad. Simula pagpasok sa umaga hanggang last subject nyo.

Ewan ko na lang kung hindi ka mabwiset.

Buti na lang at awasan na pero hindi pa ako pwede umuwi dahil sa CS (community service) ko.

Pero at least dun diba 'Clark free zone'.

Matatahimik ang buhay ko sa pang-aasar nya.

pagkabukas ko ng pintuan ng library

Mali ang inakala kong 'Clark free zone'.

Isang tan- - - - dalawang tanong ang pumasok kaagad sa isipan ko ngayon.

Bakit sya nandito?

At bakit sya naglilinis at nag-aayos ng mga gamit dito sa library?

Gawain ko dapat yan pero bakit sya ang gumawa

"Hoy ikaw! Anong ginagawa mo dito?!" -ako

"Ang gandang pambungad ha. . . hoy kaagad. Hindi ba pedeng mag-hello ka muna?" -Clark

"Sagutin mo muna ang tanong ko! Bakit ka andito?!"

"Nakalunok ka ba ng megaphone at laging naka max ang volume ng boses mo? "

"Walang kang pakialam kung ganito ako magsalita! Sagutin mo muna ang tanong ko, ANONG-GINAGAWA-MO-DITO?!"

"Okay okay chill ka lang. Obvious naman sa nakikita mo, naglilinis ako."

"Bakit ka naglilinis? Ako dapat ang gagawa nyan hindi ikaw."

"Ikaw lang ba ang may karapatang gumawa nito. Pareho tayong naparusahan kaya wag ka ng tanong ng tanong dyan. Maglinis ka na rin."

"Parusa? For what?"

"Cutting class"

Cutting class?

Ah! Nung araw na naiputan sya sa buhok hindi nga pala pumasok to sa next subject namin.

Naalala ko ulit yung incident na yun.

Or i must say, KAHIHIYANG nangyari sa kanya.

Natatawa ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Siguro natutuwa ka dahil masosolo mo ako. May binabalak kang gawin sakin noh."

"LUL!"

"araaaaaay! Masakit yun ah. Bakit mo ko binato?!"

"Ano namang iniisip mong gagawin ko sayo? Kung may balak man ako sayo, ayun ay ang murderin ka at ihagis sa ilog Pasig!"

"Murderin? Baka rapin."

"Ang kapal!" aaaarrrrrggghhh

Akmang ibabato ko na ang hawak kong encyclopedia sa kanya nang magbukas ang pinto.

Napatigil kami sa pag- aaway at sabay na napatingin sa pumasok.

"The two of you, why are you shouting? Rinig na rinig sa labas ang sigawan nyo. Para kayong mag-BF at GF na may matinding LQ."

"Ma'am madami pong pedeng reason kung bakit nagsisigawan ang dalawang tao. Pero kami? LQ? NO WAY!"

Nakita kong ngumisi si Clark.

I Like Love Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon