Chasing Destiny

1.6K 55 14
                                    

***

Love comes unexpectedly when you least expected it.

How true by the way?

***

It’s not working.

Wala na talaga tayong pag-asa.

Hindi tayo ang para sa isa’t isa.

I need space.

Mag-break na tayo.

Nakakasawa nang makarinig ng mga ganyang klase ng linya mula sa mga naging ex-boyfriends o ex-girlfriends mo. Yung marami pang mga pasakalye tapos break up lang din naman mauuwi ang lahat? Ang sakit lang diba? 

Pero hindi yun ang istorya sa kwentong ito.

Siya si Janica, pero tawagin na lang natin siyang Elle. Kung bakit, hindi ko alam.

Gusto niyang magkaboyfriend, kaso wala namang nanliligaw. Gusto niyang magpaligaw pero walang nagkakamali. Gusto niyang may magkamali, pero wala namang may type sa kanya. Cute siya—sa paningin ng nanay at tatay niya. Sa mundong ito na talamak na ang mga PBB Teens, hindi ba pwedeng magkaroon naman siya ng chance na tumibok ang puso niya dahil sa pagiging in love at hindi lang yung tipong kabog sa puso kapag tinatawag sya sa mga graded recitation ng teacher?

Bibigyan ba natin siya ng love story?

***

Nakatambay siya madalas sa roof top ng school. Wala masyado roon tuwing breaktime at hindi naman gaano mainit ang panahon kaya napagpasyahan nyang tumambay muna roon kahit saglit. 

Nag-iisa, walang kausap, tanging ang hanging humahampas sa kanyang sarili lamang ang tanging saksi sa kanyang pag-iisa. Emotera raw ang peg nya, pero hayaan lang natin. She needs to be alone (kahit lagi naman siyang alone).

“Bakit ba ganito ang buhay? May mga bagay na sadyang kahit gusto nating makuha e hindi natin magawa? Kahit pa halos ibigay pa natin ang best natin, wala pa ring nangyayari. Ano bang problema sa akin at bakit ako nagkakaganito? Saan ako nagkamali? Bakit lagi akong sawi sa pag-ibig?”

Kung nakikita natin sya ngayon, maaaring isipin natin na baliw siya. Parang nasa teleserye pa ang mga dialogues niya, kulang na lang ang camera at direktor. Yun nga lang, di siya mukhang artista, kaya wag na lang natin basagin ang trip niya.

“Alam mo kung bakit ka palaging sawi? Ang babaw kasi ng pananaw mo sa pag-ibig e. Hindi yun isang maliit na bagay lang na kapag ginusto mo, makukuha mo.”

Napalingon si Elle sa lalaking nagsalita sa bandang likuran niya. Napatigil siya saglit, natulala, napanganga. Ito na ba ang binigay sa kanya ng tadhana? Wala syang pakialam kung sinermunan sya nito o binaluktot ang pananaw niya tungkol sa love. Ang mahalaga ay gwapo ito, mala K-Pop ang dating, yung tipong kakanta ng “Sexy, Free and Single” o “That’s what makes you beautiful” ang peg. 

Ganitong ganito. Itong ito ang mga nababasa niya sa Wattpad, mga unexpcted scenes and moments, may lalabas na cool at gwapong lalake sa eksena, at presto! Mag boyfriend na sila pagkatapos ng kwento. 

Lihim syang kinilig, hindi mapakali, hindi alam kung anong gagawin. Ito na ang panahon upang magkaroon na sya ng kalabing-labing at ka-PBB Teens! (closed fists)

Lumapit ang mala-KPop na One Direction sa kanya, at sa ilang saglit na lang at malapit na syang himatayin sa sobrang kilig.

“Makinig ka sa kin, ang crush o paghanga, pangliligaw, o kahit na ang relasyon na mismo ng dalawang taong nagmamahalan, may sinusunod na step at mga patakaran. Dumadaan dapat sa isang malaking pagsubok.”

Lalong hindi na nakaimik si Elle sa kanyang kinatatayuan. Ito na ang moment niya! Ilang segundo na lang at makakarinig na sya ng I love you mula sa lalaking ito! kaunting tiis na lang!!

“Ang love story mo, ang love story ko, ang love story ng lahat ng tao sa mundo. Ay dapat dumadaan muna sa apoy. Apoy ng pag-ibig..”

E-eh?

=__=

Ang corny naman ata nun.

Ah basta, eh ano kung corny? Ito na ang simula ng love story niya. So what diba?

“Tama ba ako?” tanong ng lalaking ito sa kanya.

Dahil sa kaba, at dala na rin ng simpleng landi, napatango na lang siya. Ngumiti ito pagkatango nya at sabay..

“Tama diba? At dahil um-oo ka, ito ang sagot dyan! Kakailanganin natin ang tulong ng…

“….F.L.A.M.E.S.!! Tara, ano name ng crush mo? ^__^”

Napakamot na lang si Elle sa ulo.

Dyahe, love story na dapat. Napurnada pa. 

-THE END-

One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon