Jayzelle is Still in Love with Eman

1.3K 64 31
                                    

Jayzelle’s POV

Pasinghut-singhot pa ako pumasok sa bahay. Kagagaling ko lang ng school, umuwi na ako agad.

“Walanghiya kang Eman ka,” bubulung-bulong pa ako habang pinapahid lang ng kamay ang sipon ko. Eh ano ngayon? Maganda pa rin naman ako ah? Walang pakialam ang mga tao sa akin ngayon, MAGANDA PA RIN AKO! Mainggit sila!

“Oh, nak!” nilingon ko si Papa na mukhang masaya sa pinapanood.

“Wala sa mood ang maganda niyong anak,” diretsahang sabi ko.

“Si Eman?”

 

“Patay na,” suminga ako sa panyo ko.

“Nakauwi ka na pala,” si mama naman, may hawak na popcorn. Mukhang magmomovie marathon sila ni papa.”Nasaan si Eman? Di ka ba hinatid ng boyfriend mo?”

 

“Wala, ni-rape kagabi, pinatay na siya,” wala akong pakialam kung masyado ng obvious ang galit ko kay Eman.

Lumabas mula sa kwarto ang bunsong kapatid ko, may hawak na laruan. “Hello, ate! Bakit ka umiiyak? Nasaan si Kuya Eman? Maglalaro pa sana kami eh!”

 

“Isa ka pa eh,” kukutusan ko na talaga sila! “Imbes na ako ang tanungin niyo kung okay lang ako, si Eman pa ang hinahanap niyo!” ngumawa ako doon.

Sanay naman na sila sa akin kaya kahit ngumawa ako ng ngumawa doon, 24/7 pa kung keri ko.

“Ang drama mo, nak, oh, kumusta ka?” tanong naman ni papa.

“Papa naman eh!”

 

“Kanina, gusto mong tanungin kung ok ka lang.”

 

“Argh!” nagmartsa ako papasok ng kwarto ko at dun tinuloy ang naudlot na pagdadrama.

Kinuha ko ang naka-photo frame na larawan namin ni Eman nung minsang nagpunta kami sa mall. Ang sweet-sweet pa sa akin dun ng hinayupak. Anniversary na sana namin ngayon eh kung di lang--- kung di ko lang siya nakitang may kasamang MGA babae!

*the phone’s ringing...*

 

Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Si Eman.

Sinagot ko yun at ni-loud speaker. “Bheib? Bakit di mo ako hinintay? Nagtatampo na ako!”

 

“Aba?!” bulyaw ko sa mouthpiece, “ikaw pa may ganang magtampo walanghiya ka! Ikaw na manloloko ka! Ikaw na maraming babae! Ikaw na hindi nakakaalala ng anniversary, monthsary, weeksary, daysary, hoursary, at secondary!”

Jayzelle and Eman's Love StoryWhere stories live. Discover now