Jayzelle is Falling in Love with Eman

4.1K 148 116
  • Dedicated kay My HONEY out there!
                                    

JAYZELLE'S POV

College life. Argh. New friends, new people. Panu kung masusungit sila?

And so? Maganda ako.

Panu kung di sila namamansin?

And so nga? Maganda pa rin ako.

Panu kung mas maganda sila?

And so! Mas maganda ako!

Oo. Ako nga yan. Medyo may tililing sa utak pero normal na yan sa kin. And so? Maganda nga ako, di ba?

I'm taking up Marketing Management at God-knows-where-this-university-is and first day of school ngayon.

Pagpasok ko sa room...

Oh mah gotcha by gollie wow... Ang swerte ko naman... Ambait ni Lord kasi nakakita na naman ako ng biyaya ng diyos sa mga  kababaihan.

My classmate, Eman. well, he's just an ordinary guy lang naman talaga since im broken hearted for now. Kabe-break lang kasi namin ng isang lalaki na hindi talaga marunong tumingin sa 'maganda.' Bitter muna ako ngayon.

"Hi!" I greeted as I walk towards him. Subukan niyang di sumagot at makakakita siya ng stars sa kasagsagan ng umaga.

Ngumiti siya. Ngiting pamatay! Grabe. First day of school pa lang, ginanahan na akong mag-aral kasi siya na ang ginawa kong inspirasyon. May nagiging friends na rin ako and friend ko na rin si Eman. I found out na simple lang siya, gwapo, mabait, walang girlfriend, simple, gwapo, mabait , walang girlfriend at simple. Oh di ba? Paulit ulit lang .

One day, nagpunta kami sa bahay ng isa naming kaklaseng lalake, he's rich. As in very very rich that's why I call him 'daddy' para naman pagdating ng panahon, maambunan niya ako ng kayamanan niya... CHARING!

"Laro tayo! Truth or dare!" sabi ng isa sa mga kalokang classmate ko... game kami pero di kasali yung mga classmate naming taken o may mga jowa na.

Pinaikot na namin yung bote, andadaya ng mga classmates ko, ayaw piliin yung DARE kaya nagkaroon kami ng Rule na bawal nag piliin yung TRUTH. Eh malay ko ba namang ang daya daya din ng bote! ako yong unang tinuro.. Syempre dare ako...

"Kiss mo si EMAN!"

Oy? Kiss daw? Sa lips ba? Gusto ko yon!

"Sa cheeks ha!" sabay sabi nilang ganun! Muntik ko na ngang matadyakan yung nagsabi ng sa cheeks lang... Gusto ko pa mandin yon! Hihi.. Anlandi ko.!

Ki-niss ko siya sa cheeks. No reaction lang siya... Batukan ko kaya? But I can see his smile... Wag na, sayang naman ang mukha, eh, ang gwapo pa naman!

Another turn at another kasinungalingan na naman ng bottle, basagin ko na yan eh! Ako na naman tinuro? Namumuro na to sa kin...

"KISS MO ULIT SI EMAN SA CHEEKS! "

"Ahy? Paulit ulit lang tayo? Di nagsasawa ha? Pirated? sabi ko pero lumapit pa rin ako kay Eman taz ki-niss siya sa cheeks.

"Oh! Game na ulit!" sabi ko na kasi wala na atang katapusan ang pagiging kilig kilig ng mga kasama ko.

"Wee! Si Jayzelle ulit!"

"May sapi yata yang bote eh! Nang-iinis lang! Eto na, tatayo na oh!"

Iki-kiss ko na sana ulit si Eman sa cheeks pero... "Waaah! SA LIPS NAMAN NGAYON!"

"Sakalin ko kayo diyan, eh!" tama ba namang sa lips? Hmm, pero okay na rin yon. Di naman siya ang first kiss ko kung mangyayari yon eh. Pero di ko siya boyfriend! Takteng mga classmates to!

"Basta sa lips! Wag kang KJ!"

Sa lips? Totoo ba to? Oo nga at pinagnanasaan ko siya gabi gabi pero di naman yata tamang sa totoong buhay eh--- ano--- ano nga ba! Santa Claus, bahala ka na! 

Ngeks. Bakit si Santa Claus?! Err.

Tumayo na ako sa harapan ni Eman. para talaga siyang tuod... Halos nagcha-chant na ko sa isip ko na sana bumuka na yung kinatatayuan ko... Lunukin ako at iluwa na lang ako pag umalis na silang lahat...

Anong gagawin ko? Kiss daw! KISS kiss kiss!

Unti unti ng lumapit ako sa kanya... Palapit ng palapit.. Nakatingin lang ako sa lips niya... At ganun din siya sa kin...

Dug dugsh dug dugsh... Ano vey!? Sinisira ng heart ko yong moment eh! Lalabas na ata sa rib cage ko!

And then I feel my lips on his...

Naramdaman ko yong paglapit ng labi ko sa kanya...

English-tagalog lang, noh?

Dali dali ko rin na pinaghiwalay... Naka-smile siya!

Pagkatapos nun, di na siya makatingin ng diretso sa kin... na parang siya pa yung babae dahil siya pa yung nagba-blush... Hihi... Then ilang araw nakalipas, tumabi siya sa kin.

"May crush ako... mahal ko na ata eh..." sabi niya. Demonyong Eman! Nananadya talaga, eh!

Di ako nagsalita. Tumayo na siya at umalis... Ilang segundo din akong di nag-react nang mapansin kong may paper na naiwan sa inupuan ni Eman kanina... Oy, stationary, kanya ba to? Hmm... Mabasa nga... Wala namang sinabing bawal basahin yun ee...

"May crush ako...

Mahal ko na ata eh...

Alam mo ba kung sino siya?

Yung humalik sa kin nung nag-truth or dare kami...

Nakatatlong halik siya noon sakin, dalawa sa pisngi, isa sa labi...

Kilala mo ba kung sino siya?

Babawiin ko sana yung puso ko sa kanya, eh...

Nalimutan kasi niyang isauli..."

-EMAN

***

Property of http://wattpad.com/user/EijeiMeyou

All rights reserved 2012

Cover by EijeiMeyou®

Jayzelle and Eman's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon