05 not welcome

204 8 0
                                    

Wtf is he saying?

"I guess you're really back huh" tinaasan ko siya ng kilay at tinalikuran noong narinig kong tapos na ang akin. Kinuha ko kaagad ang kape namin ni marvin at naglakad na palayo. Hinawakan niya ang kamay ko kaya ako napa tigil pero noong napansin niyang dumating si marvin ay bigla niya nalang ako binitawan niya ako at tumitig lang sakin

"Akala ko umalis kana anong ginawa mo?" Tanong saakin ni marvin at tumingin kay hades

"Ah bumili ako ng kape naten ano tara na ba?" Pag aya ko pa sakaniya

Kinuha niya ang kamay ko at nagulat ako sa ginawa niya pero sumunod nalang ako sa agos dahil wala narin akong mukhang maihaharap

Hawak hawak ni marvin ang kamay ko papuntang parking lot

"Kanina pa ba kayo mag ka usap?" Tanong saakin ni marvin

"Noong dumating ka ayon palang" kinakabahan komg sabi sakaniya

"Sige na umuwi na tayo , hatid na kita" sabi niya pa pero umiling iling

"May pupuntahan pa ako kaya wag mo na akong ihatid" sabi ko pa

"Sige , mag ingat ka" paalala niya pa saakin at tinalikuran ko nalang siya




Masyadong nakaka bigla ang mga pangyayare ngayong araw , hindi ko ma gets bakit kailangan niya pang mag pakita saakin. Malapit lang ang mall sa bahay namin kaya lalakarin ko nalang


naisip ko bakit kung kailan okay na ako bakit doon pa siya babalik , masakit yung ginawa niya saakin. Kahit anong gawin kong distraction walang nangyayare saakin. Sobrang sakit parin. Ngayon na nga lang ako nakakatayo uli sa pagkakahulog sa mga nangyare eh bakit ngayon pa hades.

Hindi na tumigil ang aking pag luha dahil sa sakit na nadarama.


~flashback~

"Tulungan niyo ako!!" Sigaw ko pa habang unti unti ng nawawalan ng hininga dahil sa matinding pag ka lunod

hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi naman ako marunong lumangoy tanging pag panic lang ang nagagawa ko ngayon

Nagdilim na ang paningin ko wala paring tumutulong saakin.

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at doon ko nakita ang isang kulay puting kwarto. Nakaupo sa tabi ko si carly habang hawak hawak ang aking kamay

"Sheerah mabuti gising kana!!" Masayang bati saakin ni carly


"Bakit ka andito dapat nasa honey moon ka!! Ano ka ba wag mo na akong alagaan dito!!" Sigaw ko pa sakaniya


"Sheerah tapos na ang honeymoon!" Sabi naman ni carly


"Huh hindi ko maintindihan eh kagabi lang naman ako nalunod!" Sabi ko pa


"Sheerah dalawang buwan kana dito sa ospital" pagsabi na pagsabi niya non ay napaharap ako sakaniya at halatang halata sa aking mga mata ang gulat


"Paano ??" Kuryosong tanong ko


"Sa tutuo lang hindi namin alam dahil nalaman nalang namin na nalunod ka noong nasa ospital ka na, tinawagan kami ng ospital maski ang nagdala sayo rito ay hindi namin nakilala" pag papaliwanag pa niya saakin


Way Back Home ( Last Trilogy )Where stories live. Discover now