Prologue

729 17 0
                                    

Saan na kaya ako titira niyan? Jusko kung kailan naman nakahanap na ako ng magandang trabaho doon pa ako walang matitirhan

ang init naman dito sa maynila , okay pa sana sa probinsya namin maaliwalas pa at hindi ganito ka init.

Kumakain ako ng banana cue ngayon habang nag hihintay ng bus dito sa waiting shed

"Wow ang ganda niya" mahina kong bulong sa aking sarili noong nakita ko ang babaeng tumabi saakin na mayroon ring hawak na mga papeles

Siguro nag apply din itong babae na ito.

"Hi Ms." Masaya kong pag bati sakaniya at humarap naman siya saakin at ngumiti

"Nag apply ka rin ba katulad ko?" Madaldal ko pang tanong sakaniya at tumango siya

sinilip ko ang hawak niya at parehas kami ng kumpanya na pinag applyan

"Anong trabaho mo?" Tanong ko pa sakaniya

"Financial advisor ako" nakangiti niya ring sagot

"Hala! Wow ang galing galing mo naman! Ako naman creative writer ako!" Pag kukwento ko pa sakaniya

"Ikaw din magaling ka" nakangiti niyang sabi at sumakay na siya sa bus , napansin kong parehas lamang kami ng bus na sasakyan kaya tumayo narin ako at tumabi sakaniya

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya

"Nako hindi hindi" at umiling pa ako. "Parehas lang talaga tayo ng bus na sasakyan!" Sabi ko pa at sumandal nalang sa upuan at umidlip

nagising akong wala na sa tabi ko yung magandang babae na palagi kong kina kausap. Nagulat ako noong mayroong wallet sa tabi ko. Binuksan ko iyon at nakita kong sa babaeng maganda nga iyon! Naku kailangan kong ma ibalik ito!

napa tigil ako dahil napaka ganda ng pangalan niya , kasing ganda at kasing buti niya!

'Lycarmeli Diaz'

nakita ko ang number niya kaya tinawagan ko siya

"Hello? Ms. Ako ito yung katabi mo sa bus , nakita ko ang wallet mo at ibabalik ko sana saiyo pero hindi ko alam kung saan ka naka tira" pag papaliwanag ko pa sakaniya

"Nako maraming maraming salamat , kailangang kailangan ko talaga ang wallet ko na iyan , mag kita nalamang tayo sa isesend kong address saiyo!" Sabi niya pa at naka tanggap naman ako kaagad ng text na nagsasaad ng address niya

"Sige punta na ako diyan!" Sabi ko at binaba kona ang tawag


nag abang ako ng tricycle para maka punta na at noon may tumigil naman ay kaagad narin akong pumunta kay lycarmeli. Itinigil ng tric sa harap mismo ni lycarmeli at nag bayad na ako

"Nako lycarmeli ito yung wallet mo , sorry kung tinignan ko ang pangalan mo pero promise wala akong kinuha diyan peksman mamatay man si batman at superman!" Sabi ko at tumawa naman siya

"Salamat ikaw ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong niya saakin

"Ay ako nga pala si Sheerah!" Nakangiti kong pag papakilala sa aking sarili

"Ang ganda ng pangalan mo kasing ganda mo , tara gusto mo ba kumain sa loob?" Pag aya niya pa saakin kaya naman napa tango nalang ako dahil gutom na rin ako

Pumasok ako sa isang simpleng hindi ganoon kalake na bahay

"Upo ka muna" sabi niya saakin

"Ikaw lang ba mag isa dito??" Tanong ko sa kaniya

"Ah oo , teka ikaw bakit dala dala mo palagi yang marami mong gamit?" Sinserong tanong pa niya saakin

Way Back Home ( Last Trilogy )Where stories live. Discover now