CHAPTER 33 ~ The Start Of The Game ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na ako nagsalita at yumuko na lang ako..naramdaman ko na umakbay sakin ang isang braso ni Xander. The best thing I can do right now is not to think..not to think of anything besides the things that I need to put in my head.

Nag-angat ako ng tingin ng makita kong biglang sumulpot si Beverly. Bagong maid dito sa bahay. Nag-iwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin siya sa braso ni Xander na nakapulupot sakin.

"Summer."

"What?"-me

"Come, lets go out."

"Alam mong hindi pwede."

Tumayo siya at ikiniling niya ang ulo niya pakaliwa habang nakalahad sakin yung kamay. Bumuntong-hininga ako..right..maybe I just need to forget everything. Act like everything is normal.

Inabot ko yung kamay niya at ngumiti siya.

Papalabas na kami ng biglang sumulpot si Beverly. Sinubukan kong itago yung inis sa muka ko. I just dont want to see her. Si Xander na lang ang humarap sa kaniya habang kinukuha ko yung shoulder bag ko na nasa isang tabi lang.

"Aalis lang kami sandali. Paki sabi na lang kapag dumating si Sir Poseidon."

Tumingin ako kay Xander at tinanguhan niya ako. Naglakad kami papunta sa kotse niya. Binuksan niya yung pintuan ng passenger seat at pinapasok ako. Securing me using the seatbelt.

Maya-maya paalis na kami.

"You look pale. Gutom ka na ba?"-xander

"No-"

"Good. We'll eat."

Napanganga ako at pagkaraan ay naningkit ang mga mata ko. Ngumiti lang siya. After a few minutes nakarating kami sa mall. Inalalayan niya akong bumaba at naglakad na kami palabas.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon