CHAPTER 13 ~ Ice + Hinimatay = ? ~

95K 1.4K 89
                                    

CHAPTER 13

SUMMER'S POV

Napapapitlag ako everytime na may maririnig akong kaluskos. After kasi nung nangyari kanina sa dining hall tumakbo na ako papunta sa kwarto at naligo. Nang matapos ako pinagtaguan ko si Ice pati na yung ibang elite agents. Nakakahiya kaya yung nangyari kanina.

O///////////O

Ang kaso naririnig ko sila Ice na kasalukuyang hinahanap ako..actually natataranta na siya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa itsura niya. Tarantang-taranta.

Nasan ako?

Nandito ako sa may pool area..may malaki kasing puno at mataas na nandito kaya umakyat ako kanina. Good luck kung makita nila ako since natatakpan ako ng mga dahon. Saka feel ko dito...malakas ang hangin at pakiramdam ko ang taas-taas nung kinalalagyan ko.

Well..slight.

"Hindi ka na kidnap na siya?! Halika na sa bantay-bata Wynd!"-ice

"Hello? bantay-bata? Alam kong baby ang tawag mo kay Summer pero hindi mo siya makikita sa bantay-bata..ano ka ba mamaya nandiyan lang yan sa tabi-tabi."

"Kanina pa kaya natin isya hinahanap! baka may pumasok dito at kinuha siya!"

"Sino naman ang makakapasok dito ng hindi natin nakikita? kung lumilipad yon pwede pa..umm like alien..whatever."

Nakita kong nanglaki yung mga mata ni Ice at bigla siyang namutla...lumingon-lingon siya na aprang may hinahanap na kung ano.

dont tell me...naniwala siya sa sinabi ni Wynd? Kung sabagay..kung sa magkapatid na yan kahit ano paniniwalaan ng mga yan basta tungkol sa taong mahal nila-

O////////////O

forget i've said that.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon