CHAPTER 27 ~ Olivia ~

80.5K 1.2K 34
                                    

CHAPTER 27

SUMMER'S POV

Nakaupo kami sa sofa ni Ice habang kausap niya si Kuya Rain sa phone. Nakatingin ako sa TV kung saan kasalukuyang pinapalabas ang The Notebook. Napanood ko na yon at ilang beses ko na ding iniyakan. Hindi nga lang akong nagsasawang panoodin kaya kahit napanood ko na pinapanood ko ulit.

Tumingin ako kay Ice. Kumakain siya ng marshmallows habang nakikipag-usap kay Kuya Rain. Di kalayuan samin nandon sila Autumn na naglatag ng air bed sa sahig at kasalukuyan silang nakikipaglaro sa kambal nila.

Sumimangot ako at umupo ako sa lap ni Ice then inagaw ko sa kaniya yung phone. Nagulat si Ice at  babawiin sana yung phone niya pero inilayo ko lang sa kaniya yon. 

"Kuya pwedeng mamaya na kayo mag phone pal ni Ice? Gutom na ako."-me

"Ano namang kinalaman ni Ice sa pagkain mo? Unless he's the one you're gonna eat."

"Funny, kuya. Mamaya na okay?"

"Whatever. Tapos na din naman kami."

Nakangiting binaba ko yung phone at saka ako tumingin kay Ice. Tinaasan ko siya ng kilay at napabuntong hininga siya. Tumayo na ako.

No kidding..I'm really hungry. Nakakatamad pala yung nakaupo ka lang at walang ginagawa..nakakagutom pa. Kung tatagal kami na ganito baka bigla akong lumobo.

Aayusin muna daw ni Kuya Rain yung system ng BHO. And pinag-uusapan narin yung pag me-merge completely ng BHO at ng The Camp. Hindi pa naman daw yon ngayon at baka matagalan pa. Maybe a year or two bago namin i-complete yung merging sa The Camp.

madami kasing kailangan ayusin.

Sumunod sakin si Ice ng pumasok ako sa kusina. Kumuha ako ng isang grapes at kinain habang tinitignan ko yung laman nung refrigerator.

"Gusto ko pizza."-me

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon