#9. Maybe </3

2.9K 45 11
                                    

KathNiel: One Shot Stories

#9. Maybe

------------------------------------- 

"There I was waiting for a chance~" he keeps on strumming his guitar when his eyes...saw them.

Bawat ngiti nila ay parang kutsilyo na tumutusok sa dibdib nya sapagkat sa pagitan nilang dalawa ni Enrique... sya ang talo.

Dahil malamang sa malamang ay mahal na mahal ito ni Kathryn.

"Hoping that you'll understand the things... I wanna say~" tanga niya lang dahil kahit nasasaktan sya ay patuloy pa rin syang sumusulyap sa dalawang tao na kumbaga man ay parang may sariling mundo.

"As my love went stronger than before... I wanna see you more and more but you close your door.~" kung may subject lang na nagtuturo kung pano lumimot ng nararamdam sa isang tao ay tiyak na pagaaralan nya iyon. Di nya mawari kung katangahan ba o sadyang di lang patas ang mundo dahil napamahal sya sa isang tao may mahal ng iba.

"Why dont you try.. to open up your heart. I won't take so much of your time~" kung nabigyan lang siguro siya ng pagkakataon eh. Ang kaso, huli na talaga sya. Huling huli na.

Flashback: JS Prom (4th years highschool)

 

Kasalukuyan syang nagmamaneho papunta sa venue ng kanilang JS Prom, nangingit siya habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa manibela at ang isa naman ay nakahawak sa isang rectangular box kung saan nakapaloob ang isang silver necklace na may heart pendant, isang regalo para sakanyang minamahal na si Kathryn, sapagkat sa araw na ito ay magtatapat na sya ng kanyang nararamdaman para sa dalaga.

 

Sa wakas ay aamin na din sya matapos ng halos 4 na taon ng pagkikimkim ng kanyang nararamdaman.

 

Nang marating nya ang lugar ay dali dali nyang pinark ang kanyang sasakyan at nagdumaling pumasok sa loob.

 

Doon ay nakita nya si Kathryn... kasama si Enrique. Ayos lang naman iyon para sakanya sapagkat matalik na magkakaibigan silang tatlo. Ngunit nagpasya sya na umamin pagsapit ng last dance.

 

Nagsimula na ang prom ngunit nanatili lang siya sa isang lamesa kung saan sila nakapwesto nila Kathryn. Mag-isa lamang siya doon sapagkat lahat sila ay nakikipagsayawan na doon. Sabagay, wala naman talaga sya sa mood sumayaw, inaantay nya lamang ang pagsapit ng last dance.

 

"Mamaya, tunaw na yang si Kathryn." nagulat sya ng may nagsalita sa tabi nya, si Bea pala marahil ay napansin nito na kanina pa sya nakatitig kay Kathryn.

 

"Loko." maikli nyang sambit.

 

"Asus. Mas bagay sila ni Enrique." sambit ng dalaga sakanya kaya naman sinamaan nya ito ng ngiti, alam nito na mahal nya si Kathryn.

KathNiel: One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon