#2. Ikaw ang Mahal 'ko!

4K 66 10
                                    

KathNiel: One Shot Stories

#2. Ikaw ang Mahal ‘Ko!

------------------------------------

[Kathryn’s POV]

Andito ako ngayon sa park, nagpapakaemo—joke, nagiisip-isip lang ng biglang tumulo ang mga luha ‘ko.

Flashback

Naglalakad-lakad ako papunta sa room, nakalimutan ‘ko kasing ibalik yung gitara ni Daniel.

Ng marating ‘ko na ang classroom namin, bahagyang nakasara ang pinto. Bale, medyo may kaunting awang lang ito kaya makakasilip ka pa rin at makikita mo pa rin ang nasa loob kaya yun, sumilip muna ako kung may tao at dun, nabigla ako sa nakita ‘ko: si Daniel... kasama si Krisha... at magkayakap sila.

“Shh, Krish tama na ‘wag ka ng umiyak. Magiging okay din ang lahat,” sabi ni Daniel, doon ‘ko naman narinig ang paghikbi ni Krisha. Marahil ay umiiyak ito at s’yang pinapatahan ni Daniel.

“Pero pa’no?! Daniel mahal kita!” sigaw ni Krisha na nagsanhi para mas higpitan ni Daniel ang pagkakayakap dito.

“Tahan na...” patuloy pa rin si Daniel sa pag-aalo dito.

“Pero Daniel, MAHAL NGA KITA!”

“Shh. Tama na, mahal din naman kita e—“

“Ecxuse me,” putol ‘ko sa usapan nila kasabay ng pagbukas ‘ko ng pinto.

Sht lang. Kaya masamang mag-eavesdrop e...

...pwedeng-pwede ka kasing masaktan sa maaring marinig mo.

Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat  kaya agad silang napakalas sa pagyayakapan pero agad din naman silang nakabawi kaya agad na nagtanong si Daniel sa akin, “K-kath, kanina ka pa ba dyan?”

Unfortunately... “Ah, hindi, kakarating ‘ko lang.” pagsisinungaling ‘ko. Nabaling naman ang paningin ‘ko sa direksyon ni Krisha na kasalukuyang nagpupunas na ng mga luha.

“Ganun ba, bakit ka nga pala bumalik dito?” tanong pa ulit ni Daniel.

“Ibabalik ‘ko lang sana itong gitara mo.” Sabi ‘ko sabay abot sakanya ng kanyang gitara.

“S-salamat.” Tugon niya at saka kinuha sa’kin ang kanyang gitara.

“Thank you din, sige una na ‘ko.” Sabi ‘ko naman at dali-daling umalis.

End of Flashback

Yun kagad ang pumasok sa isip ‘ko ng pahiran ‘ko ang luhang pumatak mula sa mga mata ‘ko. Haay, sino nga bang ‘di masasaktan kung ikaw pa mismo ang makakapanood ng pag-amin ng taong mahal mo sa taong mahal nito?

Magulo ba? Hamo na, isa lang naman ibig sabihin niyan...

Mahal ‘ko si Daniel.

***

[Daniel’s POV]

Andito ako ngayon sa park, hinahanap si Kathryn. Bigla-bigla na lang kasi siyang umalis kanina. Panigurado may narinig siya sa naging usapan namin ni Krisha.

KathNiel: One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon