Perfect Pleasure-3

37.2K 492 9
                                    

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang tinititigan ang sobreng hawak-hawak ko.

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng ibigay sakin 'to ni Rona nong nasa ospital pa lang ako.

Hindi ko ito binuksan dahil natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano man ang mabasa ko. Natatakot akong balikan ang nakaraan.

Pero wala akong magagawa. Dahil kahit anong iwas ko sa nakaraan ay kusa itong bumabalik.

Naisip ko na baka ito ang tamang gawin. Baka kailangan ko munang ayusin ang lahat ng maling nagawa ko sa nakaraan bago ako makapagmove-on at harapin ang kinabukasan.

Bumuntong hininga ako at dahan-dahan kong binuksan ang sobre. Pagkabukas ko ay nakita kong may apat na nakafold na papel sa loob nito.

Kinuha ko ang isang papel at biglang sumikip ang dibdib ko ng mabasa ko ang unang linyang nakasulat dito.

Hi Twin,

        Alam kong huli na ang lahat pero gusto ko lang sabihin sayo na I'm sorry. I'm so sorry for everything. I don't want you to think that I'm saying those words lightly. I really mean them. I am so sorry. I know that what I did was wrong and I know that it hurt you deeply. I'm not sure what I was thinking, but I do know that I never wanted to hurt you. I wish I could take it back, but I can't. All I can do is try to show you how much I regret what I've done and ask for your forgiveness.

        I know sorry's not enough because I'm such a screw up. Gusto kong patawarin mo ako. Pero alam kong mahihirapan kang patawarin ako, dahil kahit ako ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sayo.

        Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Alam kong nasaktan kita ng sobra. Kapatid kita pero sinaktan kita. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko alam na magiging ganito pala ka komplikado ang lahat.

        Gusto kong aminin sayo ang lahat ng kasalanan ko dahil gusto kong patawarin mo ako. Patawarin mo ako kasi hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mabuhay  pa sa mundong 'to. Nahihirapan na ako twin. Nahihirapan na akong huminga. Nahihirapan na ako dahil alam kong hindi ko deserve ang mabuhay.

        Alam kong kinamumuhian mo ako pero may dapat kang malaman twin. May dapat kang malaman tungkol sa mga magulang natin, tungkol kay Jeff, at higit sa lahat, may dapat kang malaman tungkol kay Alex.

        Gusto kong simulan ang lahat noong araw ng graduation natin sa high school. Natatandaan mo pa ba yung araw na 'yon? Yung araw kung saan naaksidente tayo at nasawi sina mommy at daddy? Alam kong hindi mo nakakalimutan ang araw na yun twin. Dahil miski ako ay nakatatak na yun sa isipan ko.

        Doon nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ko twin. Nagselos ako sayo kasi ikaw ang naging valedictorian at salutatorian lang ako. Nagselos ako kasi nasa'yo ang atensyon nila mommy at daddy. At mas nagalit pa ako sayo nung hiniling mo sa mga magulang natin na sa beach tayo magparty dahil minsan ko ng hiniling sa kanila yun pero hindi sila pumayag. Pero bakit sayo ang bilis bilis nilang pumayag? Bakit kunting hiling mo lang sa kanila ay bibigyan ka kaagad nila? Bakit hindi sila ganoon sakin? Hindi naman malayo ang salutatorian sa vale ah. Pero bakit ganun twin? Bakit gusto ka nila?

        Kinamumuhian ko sila dahil ikaw lang nakikita nila. Nung mga panahong yun ang tanging iniisip ko lang ay ang mawala ka sa paningin ko. Kaya ng dumating ang gabing papunta tayo sa beach ay sinadya kong putulin ang brake ng sasakyan ni daddy.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nabasa ko. God. Ano 'to?

        Ikaw lang naman ang gusto kong mawala noon eh. Ikaw lang. Pero bigo ako. Dahil sina mommy at daddy ang nawala.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Where stories live. Discover now