Kabanata 29

48.7K 1.7K 550
                                    

Kabanata 29

Malakas ang bawat tibok ng puso ko habang umaandar ang sasakyan ni Dashiel patungo sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. It's maybe I'm too shy to live in the same house with Ma'am Cheska and Sir Daniel. Hindi pa rin kasi maiaalis sa isip ko na amo ko sila kahit pa may relasyon kami ng anak nila. Kahit pa tanggap naman nila ako.

I know that they aren't the kind of people who will look down on someone who's not in their level but the feeling of being an outcast is still there.

Or maybe... I feel hesitant because Lauren is there.

"Are you sure about this, Dreya?" si Dashiel habang nagmamaneho.

Kagabi, nang sabihin ko sa kanya ang desisyon ko ay pansin ko ang gulat sa mga mata niya. He knows that I don't like the idea of staying there but I have no choice. Mapapahamak kami parehas kung paiiralin ko pa ang pride ko. Hindi ko na hihintayin pang mangyari 'yon.

"I have a condo around the city. We can live there if you want..."

I sighed. He has suggested that too many times but I keep on refusing. Alam kong palaging nag-aalala sa kanya si Ma'am Cheska. The reason why he's not staying in that condo is because his mother doesn't want to. Mas gusto niyang nakakasama si Dashiel. It's understandable since Dashiel is the only child. Kung ako man sa lugar ni Ma'am Cheska, mas gugustuhin ko rin na kasama sa iisang bahay ang anak.

And I feel like I have already taken that chance from her when Dashiel decided to live with me.

"Hindi na. Ayos lang doon sa inyo. Kapag nakapagsimula na ako sa trabaho, magbibigay ako sa'yo kahit papaano ng share ko sa mga gastos."

Kahit pa alam kong hindi naman na kailangan dahil sa yaman ng mga magulang mo.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya saka ako nilingon. It's just a quick glance for he immediately put his attention back to the road.

"Lauren... she's still there. Ang alam ko ay dalawang linggo pa bago siya bumalik sa Brooklyn."

Inalis ko ang paningin mula sa kanya at itinuon na lang ito sa labas ng bintana. For some reason, my insides turned heavy.

"Nag-usap naman na tayo tungkol diyan, Dashiel. Hindi ko na uulitin pa."

Hindi na siya sumagot. Dahil malapit lang ang apartment ko sa bahay nila ay madali kaming nakarating dito. As soon as the car halted, Dashiel held my hand that made me look at him.

He kissed the back of it while staring intently into my eyes.

"I would never fail you. I promise."

Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kanya. He leaned closer to me and place a soft kiss on my lips. Napapikit ako ng marahan dahil doon.

"Let's go." he whispered.

Bumaba na siya ng sasakyan. Kagaya ng nakasanayan, umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. He helped me move down as we both sashayed our way to the main gate while holding hands.

Pagkapasok ay dumiretso kami sa mismong entrada ng bahay. I don't know why I feel something at the pit of my stomach. Para akong nasusuka na hindi ko maintindhan. Siguro ay dala lang ito ng sobrang kaba.

No one's around when we reached the living room.

"Walang tao?" tanong ko kay Dashiel.

"Narito si Mama. Marahil ay nasa patio at tinitingnan ang mga alaga niyang halaman."

Si Lauren?

Gusto ko sanang itanong iyon pero huwag na lang. Ayokong sa akin mismo manggagaling ang tema na 'yon.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now