Chapter 1

1.3K 25 2
                                    


                       

"So what's the plan?" Tanong sakin ng bestfriend ko na prenteng naka upo sa single couch na nandito sa loob ng office ko.

Napabuntong hininga ako at muling tinitigan ang larawan ng apat na babaeng mala anghel ang mga mukha dahil sa taglay nilang ganda.

"For now, hindi kopa alam." sagot ko dito saka tumingin sa kaniya.

Sumandal siya sa couch habang hinihilot ang sintido nito.

"Are you sure about this? You know their family is also a powerful like you." May pag aalalang ani pa nito.

Disidido na ako. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kuya ko. Hindi ako papayag na walang managot sa nangyari sa kaniya.

"Napag usapan na natin to Clark. Hindi ako papayag na hindi SILA managot sa ginawa nila kay wade." Seryosong sagot ko sa kaniya.

Nakuyom ko ang mga kamao ko ng magbalik sa ala-ala ko ang mga pangyayare tatlong linggo na ang nakakaraan.

"Wala akung pakealam kung makapangyarihan man sila, lahat itataya ko maipaghigante lang ang nangyare kay kuya." Tiim bagang na sagot. My fist automatically clench above the table, when the anger inside me start to rised.

Napabuntong hininga naman siya saka inayos ang mga papeles na nasa mesa kaharap niya. Pagkatapos niya itong ayusin ay tumayo na siya at nagtungo sa may pinto.

Hindi paman niya nabubuksan ang pinto ay muli na naman siyang nagbaling ng tingin sa akin. Mababasa sa mukha nito ang pagkadisgusto sa plano ko.

"Be sure that your not going to kill your self just to do this stupid things your planning." Huling sabi nito saka tuluyan ng lumabas ng office ko.

Muli kung tinitigan ang larawan ng apat na babaeng naggagandahan saka kinuha ang baso sa harap ko na naglalaman ng alak at tinungga ito ng isahan lang.

Napapikit pa ako ng maramdaman ang pagguhit ng matapang na likidong tinungga ko. I will make sure that all of you are going to beg just like how my brother begs to all of you.

Napangisi ako sa sarili ko saka ibinalik sa brown folder ang picture at yung iba pang information about them. Tumayo narin ako sa upuan ko at nagpasiyang umuwe na lamang para makapagpahinga, dahil bukas na bukas din ay sisimulan kona ang plano ko.

Actually, kanina pa ako naka isip ng paraan kung anong gagawin ko sa apat nayun, ngunit hindi ko lang sinabi sa bestfriend ko dahil ayoko narin na pati siya ay madamay pa.

Lalo pa at pinapangalagaan niya ang kaniyang trabaho. Anyway his an private attorney. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin, that's why he act like that. His like a brother to me so i need to uninvolved him in this situation. I don't want to ruined his career.

Alam ko naman kasing mali itong gagawin ko pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na wala man lang gawin para sa kapatid ko lalo pa at alam ko ang dahilan ng maaga nitong pagkawala.

Kung di kayang ibigay ng mga otoridad ang hustisyang hinihingi ko, pwes ako na ang gagawa ng paraan para makuha yun.

Kinuha ko ang folder at lumabas na ng office ko. Kailangan ko munang kilalanin ang apat nayun bago ako gumawa ng moves.

"I'm leaving." Bungad ko sa sekretariya kung busing-busy sa ginagawa niya kaya hindi man lang ako namalayan na nakatayo na sa harap niya.

Nabibigla naman itong napatingin sa akin. Ngayon ko lang din napagmasdan na maganda pala itong si Grace pero natatakpan lang ng malaki nitong salamin at pananamit nitong parang pang mid 50s na.

Ms. Wave DiegoWhere stories live. Discover now