Chapter 6: WTH

15.8K 243 7
                                    

Woah! This is the day..

First training

Hinihintay namin ng van na susundo sa amin papunta dun sa training, sosyal nga eh sila nagprovide ng van, food at venue ng training. Sabagay di sila lugi sa lecturer na kasama namin ngayon isa kaya to sa magaling (wag kayong maingay at baka masyadong lumaki lalo ang ulo nitong Alex na to hehe)

"Will you stop doing that Charliz?" sabi ni Ian na kasama namin. Siya yung lecturer na sinasabi ko

"Eh naiinip ako saka first time ko kaya sumama sa training ng ganito kalaki noh! Epal ka jan Sir" tinawag ko pa siyang sir noh para may galang hahaha.. He just smirked.

"Yan na yung van" sabi ni Jerome, kasama din siya dahil siya ang marketing sa aming lahat.

"Inaantok pa ako, di ko expect na meron namin silang office sa Makati bakit ang training natin sa Tagaytay pa?" tanong ng Technician namin na si Jake.

"Oo nga, bakit sa Tagaytay pa? Pero ok na yun kasi di pa ako nakakapunta dun eh hahaha.." Adik ko ngayon, kulang pa din kasi ako sa tulog dahil hinapit pa namin yung mga manual nila

"Kasi para walang iistorbo sa kanila, malayo sila sa work area nila at para makapagcontrate din sila sa training, saka nandito ata naglalagi yung sinasabi ni Madam Mondragon na anak niya na ilang buwan nang lutang at magaling sa computer din" paliwanag ni Jerome. Sila na close ni Madam

Natulog muna kami sa biyahe dahil lahat kami pagod pa at kulang sa tulog.

Maya-maya nagising ako dahil nilalamig ako kaya bigla akong nagsalita "Jerome pahina naman ng aircon, ang lamig eh"

"Pinatay na kanina pa yung aircon" sagot niya sa akin

Bigla tuloy akong napadilat at tama siya nakapatay nga, pagtingin ko sa bintana

Wow! Ang ganda naman ng tanawin!

"Nasa Tagaytay na tayo?" excited kong tanong

"Yup" sagot nila sa akin

Natatawa na lang sila sa reaksyon. Mga kuya ang turing ko sa kanila dahil mas matanda sila sa akin at ako din ang pinkabata sa office kaya hinahayaan lang nila ako kahit sa napaka simple bagay na kinatutuwaan ko hahaha..

Paghinto pa lang ng van binuksan ko agad yung pinto, di naman ako masyadong excited nito eh.

Sinalubong kami ni Mrs. Mondragon, kinamayan niya yung tatlo tapos pagharap sa akin niyakap niya ako na kinagulat ko naman.

"Thank you for coming kahit alam ko na ayaw mo" Mrs. Mondragon

"Hehehe.. Di naman po masyado. Thank you nga po pala Ma'am for trusting our company to take this training with you." sagot ko sa kanya

Mr. Hot ArrogantWhere stories live. Discover now