CHAPTER 22: SWEET COUPLE

9.4K 144 12
                                    

PASENSYA NA PO TALAGA KUNG MABAGAL AKO MAG-UD. MAY OUTSIDE WORLD KASI AKO NA NEED NG TIME KO KAYA MADALANG TALAGA. THANKS!

HOPE YOU ENJOY THE VIDEO ON THE SIDE (HINDI PO AKO GUMAWA NG VIDEO AH HEHEHE)

 

CHARLIZ POV

Grabe si Vince mula nung magkaayos kami nag-iba na siya

Naging sweet siya lalo.

Naging caring lalo.

Mas nagging hot at yummy siya every day.

Tapos

He make sure na bago siya umalis ng umaga ikikiss niya ako tapos pag nagising ako at tatayo na para ihatid siya sa labas ihihiga niya ako ulit sa kama at susuklayin ang aking buhok gamit ang kanyang kamay habang  kumakanta ng wag ka nang umiyak at pag ganoon, nakakatulog ako magigising na lang ako sa alarm clock na sinet niya para magising ako.

Then

Sa gabi naman tatawag siya na malalate siya ng uwi o kaya naman uuwi siya dala yung mga paper works na need niyang gawin pero pag kasama na niya ako hindi na niya yun nagagawa. Nakikipaglambingan lang siya sa akin, o kaya maglalaro kami o kaya movie marathon haggang makatulog ako saka pa lang niya magagawa yung mga dapat niyang gawin.

Sa totoo lang masaya ako kasi bumalik na siya ok na kami ulit pero hindi ko alam bakit hindi maalis alis yung pakiramdam ko na may mali, na parang may hindi tama ahhhh ewan naloloka na ata ako sa kakaisip!

Anyway!

First year anniversary namin ngayon kaya pupunta ako kina mommy Jade para magpatulong na magluto. Alam niyo na gusto kong masarapan si Vince at hindi puro sunog hahaha.

Nagdoorbell na ko at hinihintay na lang na pagbuksan nila ako ng pinto.

“Mommy!” sabay yakap ko

“Hija! Kumusta ka na? Ang tagal na din na huli kaming dumalaw sa inyo o kaya napadalaw kayo dito. Oh ano simulan na natin ang tutorial?” nakangiti niyang sabi

Tumango ako at pumasok na kami sa bahay

“Ahahaha. Hija I’m sorry I can’t help it. You are really worst sa kitchen” halos maiyak na si Mommy

Paanong hindi siya maiiyak, eh halos lahat ng sangkap na dapat balatan, may mga naiwan pa

Tapos yung mga dapat hugasan na karne at isda ang ginawa ko lang ay lublob ahon kaya puro dugo at may mga kaliskis pang naiwan.

Mr. Hot ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon