Chapter 5

51 1 1
                                    

Chapter 5

Hives

Two days have passed but no news of finding my damn I.D.

Si Kuya Caloy na school guard tinanong na din namin pero olats talaga walang nagsurrender na kahit na sino.

Ang Phantoms pinabalik ko sa mga pinuntahan namin ni Light at pati sa tapat ng tindahan, iyong tindera mismo tinanungan namin wala din daw silang nakita.

This is giving me freaking headache.

"Babes!" I snapped out of what I'm thinking. Napatingin ako kay Kath na ngayon ay busangot na ang mukha, we're in cafeteria taking our break.

"Ha?" Tanong ko.

She crossed her arms above her chest and look at me with her brow furrowed.

"Hay naku! Ang dami-dami ko nang nasabi tulala ka pa din. Ano kaya iyon?!" pagmamaktol niya.

I'm quite amused. Sa tuwing magagalit o maiinis siya para siyang blow fish na lumulobo ang pisngi at namumula.

I supressed myself from smiling ang pinching her cheek.

"Sorry... may iniisip lang. Ano nga ulit iyong sinasabi mo?" She rolled her eyes but still make a defeated face.

"Nagkukwento ako. Tapos tinatanong din kita kung anong kakainin natin hindi mo naman ako pinapansin. Can you please give me some attention?" pagsusumamo niya.

I smile and pat her head.

"Okay, okay! From now on my full attention will only be for you. Is that alright?" I remove my hand and look at her while smiling.

Pinaningkitan niya muna ako ng mata, animo'y tinatantsa ang mga sinabi ko sa kanya habang nakanguso.

In the end wala din siyang nagawa kung hindi tanggapin ang sagot ko.

"Ano bang iniisip mo? Tungkol pa rin ba ito sa nawawala mong I.D? Nireport ko naman na sa registrar sabi ni Sir Val titingnan niya pa kung maiisyuhan ka ng bago kasi ilang months nalang tapos graduating pa baka magname plate ka nalang." Napakamot ako ng ulo.

"Name plate talaga? Hindi ba pwedeng wala nalang ganun? Dagdag nanaman iyan sa iisipin ko. Ang baduy pa naman ng name plate. "

I'm making a fussed with it dahil apat na taon ko ng gamit iyon. Every identification card is good for four school year kapag tuluyang nawala ibig sabihin mababawasan ang memento ko from high school.

Iyong nakabangga ko hindi pa din mawala sa isip ko. Alam mo iyong annoying gut feeling that keeps on lingering in you ganoon iyong pakiramdam ko at hindi iyon naaalis sa sistema ko.

Si Kuya lagi namang tumatawag pero di pa rin mawala sa akin ang pag-aalala lalo na at mag-isa siya doon.

"Ang bata mo pa pero ang dami-dami mo ng iniisip" nabaling ang atensyon ko dahil sa maiingay na nagpasukan. It's Phantoms.

Kapag kumpleto talaga silang pumupunta sa cafeteria napakaingay nila. Akala mo mga batang nag-aasaran at nagtatawanan.

"Ehem! Ayan pa ang isang iisipin" kuha ni Kath sa atensyon ko. She looks like a 'meh' emoji.

"What?" natatawang tanong ko sa kanya. Nakasimangot nanaman siya ngayon at salubong ang kilay.

How can someone make so much emotion in her face? She's like a walking emoji.

"What-what ka dyan? Kasasabi mo lang kanina na sa akin lang ang buo mong atensyon pero kakapasok palang nila iyong tingin mo! Naku Macey ah!Nakakapangselos na talaga!"

"Peace." sumimangot siya.

"Hindi mo naman kailangang bantayan ang kilos nila. Hello ang tatanda na ng mga iyon. Alam nila ang dapat nilang gawin and you're not their Mom so please..."

The Gangster's Princess (Edited Version)Where stories live. Discover now