Chapter 7

28.4K 400 32
                                    

Chapter 7

++ Confession ++

Kahapon pagdating ng Phantoms sa bahay lahat sila may galos at pasa, buti nalang walang napuruhan sa kanila. Well, 'di naman na kataka-taka dahil nakipagduelo sila sa mga Freshmen na naghamon kahapon and as expected wala pa rin silang binatbat.

Kwento ni Matt mas malala pa daw ang sapakan nila Thor at Light kesa sa laban nila sa freshmen, ayaw daw paawat ng dalawa pero nung nasa bahay naman na sila ay nagkaayos din, kailangan lang talaga nilang maglabas ng sama ng loob sa isa't-isa.

Cafeteria's a bit boring . Parang walang ganap, marahil dahil w .ala din ang Phantoms ngayon. Mga masasakit ang katawan kaya nagsi-absent ang mga loko-loko.

I looked at Kath who is now sharing information about Goblin.

Usually, I will look at her and pretend that I'm listening to whatever she says. I just stared at her and let her think that I'm interested even though I really don't know what the heck she's saying but right now I' am all ears.

Apparently one of the member of Goblin is Kath's half-brother named Tres who's currently staying with them.

"Bakit daw sila nandito?" usisa ko.

"Mayroon daw silang sideline~"

"Anong sideline nila panginginidnap?" wala sa sarili kong tanong.

"Huh?" Kath asked. 

"I mean yun lang?" pagbabago ko ng tanong sabay inom ng juice ko.

"Mayroon din daw silang hinahanap."

"Sino?"

"Ah? Hindi niya naman sinabi, basta ang sabi niya lang mayroon daw silang hinanap. Kung baga o tao, hindi ko na din naitanong. Sorry na na-overwhelm kasi ako sa pagdating nila. I'll try and ask him again. "Napakamot siya ng ulo. "Di ko din alam kung ibibigay niya sa akin ang buong detalye tungkol doon maybe it's a bit complicated."

"Did they request to be here?

"Oh?" She looks like a lost kitten. "Waaah! Macey hindi ko talaga alam." Halos naluluha na siyang nakatingin sa akin. "Sorry na hindi ko naman alam kung anong mga dapat kong itanong sa kanya."

"Okay lang. Hindi mo naman talaga dapat itanong iyong mga bagay na iyon."

"There is one thing I learned about him. He told me they are part of a gang. Can you imagine?!? Bakit lahat ng kasali sa gang ay mga gwapo? Nasaan ang hustisya? Sabi ko nga sa sarili ko bakit ako napapaligiran ng mga mahihilig sa basag ulo? Pero di ko naman na yun sinabi sa kanya. Alam mo ba kung ano ang pangalan ng gang nila?"

"Goblin." mahinang sagot ko.

"Oh! Paano mo nalaman? Ano ba yan panira ka naman! Kala ko pa naman magugulat ka, ayun na nga and they know Ella be-Ooops they're coming." napatingin ako sa pintuan ng cafeteria they all looks like a model walking on a runway. Iba yung dating kahit nakasuot pa sila ng uniporme.

"Yung nauuna na maliit na may dimple ay si Raxel at pinakabata sa kanilang lima, yung sumunod sa kanya na moreno, matangkad at may napakaperfect na ilong ay si Erol, Yung singkit naman na mukhang rakista ang itsura at porma ay si Louie, yung mukhang lahing stateside that's my brother Tres and of course the one and only Lex."

"Dito ba sila didiretso?"

"Uhm, I think so, bakit?"

"Mauuna na pala ako sayo."

"Huh? Bakit? Pero--"

"Sa tingin ko ikaw ang pinunta nila dito. Iwan na muna kita."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Kath saka ako nagmamadaling lumabas. Kabilin-bilinan nila Matt kagabi na kung kayang lumayo at huwag magcross ang landas namin, sinoman sa Goblin ay mas mabuti.

The Gangster's Princess (Edited Version)Where stories live. Discover now