Kabanata 11

35 3 0
                                    




Habang abala ang mga kaklase niya sa paglalaro sa loob ng silid nila, nakaupo naman si Sera sa may hagdan katabi ni Jino— May maliit na espasyo lamang sa pagitan nila. Nang tanungin siya nito kung pwede ba silang mag-usap, ilang minuto pa lang ang nakalilipas, ay tanging tango na lang ang naging tugon niya.

She inwardly breathes in and out to calm her nerves. Pakiramdam niya kasi ay ilang sandali mula ngayon ay mahihimatay siya sa kaba. Ewan ba.

"Sera," tawag ni Jino sa tabi niya.

Nang lingunin niya ito ay may kung anong tumama sa pisngi niya. It was his forefinger poking her cheek, and while a smile rested on his lips.

Pumikit siya at ngumiti nang may kunot sa noo. Umiling siya nang tanggalin nito ang daliri sa pisngi niya.

"Galit ka ba sa'kin?" Tanong ni Jino.

Muli niyang pinilig ang ulo sa direksyon nito. Seryoso na ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa bintana sa harap nila. Natawa siya at muling umiling.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? May ginawa ka bang kasalanan sa'kin?"

"'Yan din ang tanong ko e. Pakiramdam ko kasi, iniiwasan mo ako." This time, he once again turns his head towards her. "Siguro hindi lang ako sanay na hindi ka nakikitang ngumingiti kapag nagkikita o nagkakasalubong tayo. Sa totoo lang," napatingin ito sa daliri nitong abala sa pagkakalikot sa tuyong dahong napulot nito sa sahig, "nami-miss ko na 'yung pag-uusap natin pati na rin 'yung pagdya-jamming natin."

Sera bites the insides of her cheeks. Hindi niya kasi inaasahang mapapansin nito iyon. Ginawa na niya kasi iyon noon, ngunit hindi naman nito napansin. Siguro nga, tuluyan nang nag-iba ang mga bagay-bagay ngayon.

"Kung may kasalanan ako sa'yo, sorry. Kung na-sobrahan na ako sa pang-aasar sa'yo, sorry. Sabihin mo lang sa'kin, willing akong lumuhod para maging okay lang tayo."

Napalingon siya rito. Nakatingin pa rin ito sa kamay nito. Sa pagkakataong iyon, natawa na siya nang malakas.

"Baliw," aniya sa pagitan ng tawa. She bumps her shoulder to his. "Wala ka namang dapat ihingi ng sorry. Busy lang ako nitong mga nakaraang araw, promise, wala kang kinalaman do'n." Lies, but Jino doesn't need to know. "Okay na okay naman tayo kaya hindi mo kailangang lumuhod, at wala kang dapat ihingi ng tawad."

"Sigurado ka? Okay tayo?"

"Okay na okay."

Tumango ito. "Kakausapin mo na ako, 'di ba?"

"Kinakausap na kita ngayon, a?"

"Kaninang kausap mo si Jop, parang invisible lang ako sa'yo e."

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Where stories live. Discover now