Kabanata 1

95 3 1
                                    

   

September, 2019


"Yes, ma'am?" Agad na tanong ng cashier kay Sera nang umusad ang pila, at tumayo siya sa harap nito.

   

Pasado alas tres na nang makaramdam siya ng gutom, at agad na bumaba sa foodcourt upang bumili ng makakain. Makalipas ang ilang minutong pakikipag-debate sa sarili ay napagpasiyahan niyang sa Potato Corner na lamang pumila at bumili.

   

"Isang order ng mega, chili barbecue and sour cream flavors," aniya at tumingin sa menu na naka-display. "Padagdagan na rin po ng isang hash brown. Thank you."

   

Naiabot na niya ang bayad dito nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kaniyang bulsa. She pulls it out of her pocket and stares at her best friend's name being displayed on the screen. Napa-kunot ang kaniyang noo nang dahil doon.

  

Tinanggap niya ang sukli na iniabot sa kaniya bago sinagot ang tawag at umalis sa pila.

   

"Oy, Sera Perez. Nasaan ka?" Agad na bungad sa kaniya ni Beatrice Mendoza, ang matalik niyang kaibigan, nang idikit niya ang cellphone sa kaniyang tainga.

   

Naupo siya sa isang bakanteng upuan sa foodcourt habang hinihintay ang pagkaing binili niya. "Nasa foodcourt. Bakit?"

  

"Pucha. Um-attend lang ako ng meeting, nasa bilihan ka na naman ng pagkain?"

   


Sera rolls her eyes at this and shakes her head. "Kung ija-judge mo lang ang tawag ng sikmura ko kaya mo ako tinawagan, 'wag ka nang mag-sayang ng load. Paakyat na rin ako," aniya habang tinutupi ang resibo. "'Wag kang hihingi!"

   

"Pasalamat ka, hindi ko cheat day ngayon," anito at bumuntong-hininga. Bahagya naman siyang natawa. "Anyway, hinahanap ka ni Jino kaya ako tumawag. Anong atraso mo ro'n?"

  

A crease forms on her forehead at the mention of that familiar name. "Ha? Bakit daw?"

  

"Malay ko. May usapan daw kayo."

   

"Dapat tinanong mo."

  

"Nawala sa isip ko. Hinanap ka lang tapos no'ng sinabi kong hindi ko alam, umalis agad."

   


Narinig ni Sera ang pagtawag ng cashier sa pangalan niya kaya naman agad siyang tumayo at lumapit dito habang nakadikit pa rin sa tainga ang cellphone.

  

"Uuuy. Kakanta na ba ako ng," Bea clears her throat from the other line, "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pag-bigyan ang pusong nagmamahal," pagkanta nito dahilan para matawa siya habang kinukuha ang order niya.

   

"Ewan ko sa'yo. May ibabalik ba?" Aniya na sinundan iyon ng tawa.

   

"Gaga ka kasi. Aamin-amin ka tapos babawiin mo rin. Akala mo sa'yo, hindi pinalaki ng sexbomb mommas." Napailing siya sa sinabi nito at pinakita sa gwardiya ang kaniyang ID nang papasok na siya sa building. "Tignan mo ako, proud tagapagmana ng sexbomb titas. Lumaban, never bumawi."

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon