SOCO 'Ang Pangalawang Buhay"

562 20 5
                                    


Sabi ko hindi na ulit ako mgsulat, pero ito ulit ako. Pasensya na po.

Kwento talaga ito ni Babae/Girl...

Paalala po ulit kwentong kalokohan lamang po. Para po maintindihan nyo ang kwentong ito ay basahin nyo po ang story ni MSYELLOWPIXIE na ONE MORE YESTERDAY (KATHNIEL FAN FICTION).

Hindi po ito karugtong sa unang sinulat ko. Ibang kwento po ito, ibang bersyon ng pagpatay kay babae. Hanggat mag asawa pa yung dalawa sa OMY, ako muna ang bahala at gagawa ng paraan kay babae. Kahit ilang bersyon pa ng pagkawala nya ay gagawin ko :D

Tungkol naman po sa title, SOCO "Ang Pangalawang Buhay" ay dahil po binaril na natin sya sa unang kwento at binuhay, ngayon pangalawang buhay na nya, babarilin ulit natin sya. Hanggang sa aabot tayo sa last na episode ang PAGPAG "Siyam na Buhay" tutuluyan na talaga natin sya dun.

_____________________________________

Pwes kung sya ang nagbukas sayo ng langit ako naman ang magbubukas sa kanya ng impyerno na walang apoy . (pahiram nito TK).

(Pahiram din nito Kathy)

"I am not asking you to give me a little of your heart again Danyel." He thumbed her tears. "Just please, tulungan mo akong matanggal ang pagmamahal na ito."

Daniel froze for a minute (tulala ka na naman Danyel, gago ka talaga kahit kelan). Ayaw niyang mawala ang pagmamahal ni Katreng para sa kanya.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi makapagsalita ang Danyel. Nabasag lamang ang katahimikan ng may biglang___________.

"Mga walanghiya kayo, mga AHAS" sigaw ni ANACONDA (hindi ka nanaman ng iisip girl, hay naku).

"Babe, anong ginagawa mo dito? Nasaan si Jayjay? (Kathy, tanong ko lang, bakit Jayjay?) gulat na tanong ni Danyel. (Ang saket sa heart ng babe mo Danyel).

"Walanghiya ka, manloloko. Kung ayaw mong patayin ko yang babaeng yan, itigil nyo na tong teleseryeng to. Mga hayop" sigaw ni babae sabay kuha ng baril sa Chanel bag nito at tinutok kay Katreng.

"Babe, huminahon ka baka makalabit mo yan." mahinahong wika ni Danyel sabay tago kay Katreng sa kanyang likod. "Pag-usapan natin to, wala kaming ginagawang masama. Nag-uusap lang kami."

"Hindi, lumayo ka dyan, umalis ka sa harapan nya." ayaw paawat ni babae.

"Babe naman, saan ba si Jayjay, bat nandito ka? Alam mo namang trabaho lang to diba? Tsaka may promise ka pang kiss sa akin pag-uwi ko." (kiskisin nyo mga mukha nyo, pinapainit nyo ulo ko eh). Mahinahong pakiusap ni Danyel.

"Jayjay ka ng Jayjay. Ayun pinatulog ko iniwan ko sa crib nya mag-isa." umiiyak na si babae, habang nakatutok pa rin ang baril kina Danyel at Katreng.

"Babe naman, ang tanga tanga mo talaga baka mapano ang bata." frustrated na nasabi ni Danyel habang kinocoveran pa rin si Katreng.  

"Sa tingin ko ay kelangan nyo mag-usap na mag-asawa." kalmadong sabi ni Katreng.

"Hindi ka aalis dito. Ahas kang babae ka. Kilalang kilala kita Kathryn. Alam kong aagawin mo sa akin ang asawa ko. Sisiguraduhin kong hindi mo maagaw ang asawa ko gaya ng pag-agaw ko sa kanya sayo." (ang gags mo lang girl) naghehisteryang wika ni babae.

Aalis na sana si Katreng ng biglang hinawakan ni Danyel ang braso nito.

"Dito ka lang sa likod, baka totohanin nya, ayaw kong may mangyaring masama sayo. Hayaan mong protektahan kita. Mauna muna ako bago ikaw." (putek, ngpapakasweet ka pa Danyel, hahayy)

"Pero, kelangan nyong mag-usap." mahinang wika ni Katreng. "Kung papatayin nya ako, okay lang, para mawala na rin tong saket na nararamdaman ko." (wag kang iiyak Katreng, strong ka diba, magpakatatag ka akong bahala sayo)

"Hindi ko hahayaang mangyari yun, dito ka lang tutulungan kitang mawala lahat ng saket sa puso mo pero hindi ang pagmamahal mo sa akin." (anong plano mo Danyel?)

Hindi na muling umimik si Katreng dahil nagwawala na naman ang bruha.

"Ang drama nyong dalawa, babe umalis ka na dyan baka ikaw pa mapuruhan ko." ngsalita si girl.

Tumigil naman ang mundo ng mga tao sa set. Walang may gumalaw. Takot baka kalabitin ni girl ang baril at tamaan ang Katreng. Nanginginig na lang sa takot si Tita Min.

"Anak, dyan ka lang sa likod ni Danyel, wag kang aalis dyan. Hayaan mo na syang sasalo ng bala." (ang mean mo tita) pakiusap ni Tita Min sa anak.

"Magsitigil kayo, saan nyo gustong tamaan ko ang babaeng ito ha?" sigaw ng nababaliw na si girl.

"Jasmine, huminahon ka. please ibaba mo yan, please." umiiyak na pakiusap ni Tita Min. (ayan napangalanan ko din, hoo congrats sa akin)

Nang biglang may nagsalita....

"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong paglamayan ka ngayon din." utos ng lalake  na tinututok ang baril nito kay girl. (uy si dombidoms, nagpapaka knight and shining armor, natagalan kinuha pa ata ang baril sa bahay nila)

Nabigla ang lahat. Mabilis na nilingon ni girl si Dombidoms.

"isa ka pa, hindi mo kayang pasayahin si Kathryn kaya sa asawa ko nakikipaglandian."  galit na ang babae (sino sa inyo ang malandi ha, sino????) "Isa kang BAKLA, alam mo ba yun."

Tila hindi matanggap ni Dombidoms ang narinig. nangigigil sya sa galit.

"HINDI AKO BAKLA." sigaw nito kay babae at binaril ito.

Bang!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ayun sapol sa leeg si babae. Bagsak.

"Waaaaagggggggggg." Sigaw ni Danyel ala Cedric ng Pagpag.

Takot na takot na ang lahat. Grabe na ang tensyon sa paligid. Pero hindi pa tapos ang laban. Biglang nakabawi si girl kahit hirap ay nakapaghiganti pa ito. Binaril si Dombidoms. Tinamaan sa balikat. (di talaga shooter si girl, isang metro lang layo di pa pinuruhan sa ulo si Dombidoms, Hay naku girl).

Walang nakagalaw, pati si Katreng na nanginginig sa takot ay umiiyak na rin, dinaluhan at niyakap sya ni Danyel. (Danyel yung asawa mo huy!)

at at at......

wang wang wang wang wang

Alingaw-ngaw ng serenang nanggagaling sa police car. (late na naman ang mga police) Lumabas sa patrol car si Gas Abelgas (ano ba ang tama Gus Abelgas? hayaan nyo na). Dumating din ang ambulance at sinakay si Babae (buhay sya, wag muna nating patayin) at Dombidoms. Dinala ang dalawa sa ospital.

Habang nasa ambulance nagawa pang mag-away ni babae at dombidoms.

Sa crime scene.

Hindi makausap si Katreng dahil sa takot. Pati na rin si Danyel (shock na naman si Danyel).

Wag na nating pagsalitain si Danyel, baka ano pang masabi, syempre asawa nya yung nabaril.

Si Gas Abelgas na ang bahala sa imbetigasyon at kaso, di na natin hawak yun kaya hanggang dito na lang.

____________________________________

Salamat Kathy sa kwento mo, dahil sa kwento mo may kwento din ako.

Kitakits po sa Pangatlong Buhay.

KALOKOHAN LAMANG ITO HINDI SERYOSONG KWENTO TULAD NG NABABASA NYO DITO. HAHAHA

ANG KORNI KORNI NITO. HAHAHAHAHAHA

Pero MARAMING SALAMAT sa pagbasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OH MY! (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon