Masaya to, Gaganti tayo

1.1K 31 25
                                    

Hindi po ako writer, kaya pagpasensyahan nyo na ang mga salitang ginamit, punctuation at iba pa. Wag nyo nang pansinin, dinugtungan ko lang sa sariling version ko ang kwentong “One More Yesterday (KathNiel Fan Fiction ni MSYELLOWPIXIE)” may pahintulot po ito sa totoong may akda. Isinulat ko ito dahil bitter ako. Diko matanggap na mag asawa si You-know-who at si Danyel. (Diko talaga kayang banggitin pangalan nya).   

Paalala po ulit sa may gustong magbasa nito itoy kwentong kababalaghan lamang at walang katotohanan. Pawang kathang isip lamang. Gusto ko lang talaga ipaghiganti si Katreng, wag seryosihin char char lang. WATTY LAMANG PO ITO.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Inis si Danyel kay Dombidoms dahil kasama pala ito sa teleserye nila ni Katreng, pero wala syang magawa management ang may gusto nito at para patas na rin at kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ni Katreng (mahal na kita Doms)

"Danyel, Katreng handa na ba kayo?” sigaw ni direktol.

“Opo direk.” Sabay na sagot ng dalawa.

“Ito ang scene, Danyel hahalikan mo si Katreng ditto okay? Sa Lips.” Ang sabi ni direktol. (agad agad direk?)

“Ahhh, po direk?” wika ni danyel na parang ng aalangan.

Camera Roll……. Taraaaaaannnnnnnnnnnnnnnnn

Habang papalapit ang mukha nila sa isa’t isa di mapigilang mamula ang mga ito. Biglang nakaramdam si Katreng ng di mapaliwanag na nararamdaman. Tila bumabalik lahat ng alaala, pagmamahal, kaba, galit, paghihiganti lahat lahat na. Gusto nyang mahimatay at ang luhang matagal na nyang gustong pakawalan ay tilang gustong gusto na kumawala sa kanyang mga mata. Simula ng nangyari ang lahat ay hindi pa naiiyak ni Katreng ang napakabigat na saloobin (sobrang bigat ha)  

“Mahal na mahal kita Jackie (pangalan ni Katreng sa teleserye), di yun ngbago  kahit kelan.” Linya po sa scene ito.

Hindi makasagot si Katreng nakalimutan nya ang kanyang linya.

“Cut…” sigaw ni direktol.

Tila walang narinig ang dalawa, nagkatitigan (eeeeee kinikilig ako, haha) lamang ito at biglang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Katreng.

“Kath” pabulong na tawag ni Danyel na halatang ng aalala.

“Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako sinaktan? Bakit mo dinurog ang puso ko ng pinong pinong? Bakit Danyel? Mga tanong ni Katreng habang tinitigan si Danyel. Mga tanong na noon pa nya gustong itanong.”Hindi ba sapat ang pagmamahal ko at kaya mo ako saktan ng ganito, sobrang sakit alam mo ba yun? Sana pinatay mo na lang ako. Ng hindi ko na naramdaman ang lahat ng ito.” Di na napigilan ni Katreng ang umiyak ng umiyak habang yakap na sya ni Danyel na umiiyak na rin. Nanghihina napaupo si Katreng na yakap yakap pa rin ng Danyel.

Hindi naman nakagalaw ang lahat ng nasa set. Hinayaan na rin nila ito sa utos ni Mommy Min na naawa sa anak at sa kagustuhang mailabas ni Katreng ang nararamdaman at maka move on na ito. Lahat ng naroon ay naiyak na rin pati si Tita Karla, Magui at Lelay at lahat ng crew, staff, make up artists, camera man (lahat nga ng nandun). Pati na rin nanunuod na ang akala ay parte pa rin ng teleserye, umiiyak habang kinikilig.

Napatingin sya kay Dnayel na nakayakap pa rin sa kanya. Pilit nyang kumawala ngunit mahigpit pa rin syang niyayakap ni Danyel. Sa pagkakataong ito si Danyel naman ang bumigay. Dito nya pinakawalan ang gustong paghingi ng tawad kay Katreng. Ramdam ni Katreng ang sinseridad sa paghingi ng tawad ni Danyel. 

OH MY! (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon