IX - Puzzle

620 66 11
                                    

Pagbalik ko sa salas ay makahulugan na tumingin sa akin si Zeus kaya't tinanguan ko na lamang siya. At sa pagbalik ko sa 'king puwesto ay napansin kong iba na ang pinag-uusapan ng grupo.

"So, how's work, Hunter?" I heard Logan asked. Hindi ko rin naman sila nagawang pagtuunan nang pansin dahil naiisip ko ang sinabi sa 'kin ng nanay ni Zeus.

"Still the same. Nasa likod pa rin ng opisina ko ang limpak-limpak na pera—"

"Mapurol na nga ang utak ni Hunter." Zach joked. Pinaltok ni Hunter si Zach ng unan na nasa kanyang tabihan dahil para mapailing na lamang kami. Hanggng ngayon ay asar-talo pa rin s'ya sa kambal.

"Kahit naman hindi ka magtrabaho sa banko, marami ka pa rin namang pera." Zayn stated.

"It's not my money. It belongs to the Garnet Family, mas masaya kaya kung pinaghihirapan mo ang pera mo." Hunter argued. I really love his principles. Hunter is someone who will always think of others rather than thinking himself.

"Guys, have you heard the rumors?" We all look up to see Maddie, who was swiping on her phone.

"About what?" Hallie asked.

"Chismosa talaga," Thalia jeered.

Saglit na tumingin sa 'kin si Maddie na agad naman na napansin ni Clover dahilan upang mapabuntong hininga siya at pitikin ang noo nito, "It is about Amanda." Clover said.

I was left speechless. I've been hiding Raynald's secret for weeks now. Hindi ko rin naman maaaring sabihin sa iba ang mga sinasabi niya sa 'kin dahil pasyente ko siya pero the issue is about Amanda being dead. Matagal ko na rin pinakikiramdam kung may mga balita ang iba tungkol sa biglaan niyang pagkawala. A part of me believes in Raynald's confession pero hindi ko rin maikakaila that his mind is mixed up that time.

"Nagtanan daw sina Amanda at Chris." Maddie stated.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. It was different from what I know, "Sinong Chris?" I asked. I badly want to confirm something.

Hindi ko gusto ang nagiging takbo ng utak ko ngayon— I'm acting like a solo player again, but I cannot give them the information I've got because Raynald's mental health is at stake.

"Apple guy, baby," Hunter whispered.

"Who started the rumor?" Travis asked. Makahulugan siyang nakatingin sa 'kin na tila kinikilatis niya ang mga reaksyon ko at sigurado akong hindi lamang si Travis ang nanonood sa galaw ko ngayon.

"I had heard that rumor last week. And I think, some group of ex-schoolmate na nakita si Raynald na mag-isa and they said that he is acting a little bit out of character." Austin explained.

"Raynald is Orange guy." Hunter whispered. Sinamaan ko naman siya nang tingin at tumawa naman siya ng tahimik.

Raynald told me that Amanda rejected the invitation to the game dahilan upang mawala siya. What if I did the same thing? Mawawal rin ba ako? This game is fucked up. Alam namin na sina Richard at Darren ang gumawa nito pero who the hell is Hyazinth? Anong rason niya para nakawin at ikulong kami sa larong 'to?

"But... Amanda is a bitch. Siguro ay alam niyo na rin na mangyayari ang ganito." I heard Thalia said. Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko sa katawan dahil sa sinabi niya.

"Yup, remember when she pushes herself to Hunter?" Zayn mocked.

I remained silent. I pursed my lips, trying to make myself calm. At sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang panginginig ng kamay ni Shan na pilit niyang tinatago. Mabilis naman na nawala ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko ang malakas na tawa ni Anikka at Shaina.

Hyazinth: Game OverWhere stories live. Discover now