Chapter 18

3.8K 96 1
                                    

5 years later

Chavelle

“Ma’am, kailan ho ba kayo babalik dito? Miss ka na po naming lahat, ma’am.” Napahalakhak ako sa sinabi ng nasa kabilang linya.

“Hindi ba sinabi ni Melba sa inyo? Uuwi na kami bukas. Business meeting lang naman yung nandito.” Narinig kong tumili sila lahat.

“Talaga ma’am? Naku! Excited na kami makita ang mga bulilit. Sige ma’am, ingat po kayo.” Tumawa ako at ibinababa na ang telepono.

Nasa isang hotel kami dito sa Chicago since may business meeting kami ni Marielle.

Pumunta ako sa kusina at kukuha sana ng pagkain nang narinig kong bumukas ang pinto.

“Mommy!!!” two little voices filled the room. Napangiti nalang ako nang nakitang tumatakbo papalapit sa akin ang dalawang kulay sa aking buhay.

“Oh? Did you had fun?!” yumakap sila sa aking binti kaya ay umupo nalang ako sa sahig at hinalikan sila sa pisngi.

“Yes, mommy! We bought toys po! But Forrest keeps on stealing what I like!”pagmamaktol ng anak kong si Serenity Harriet. Nakita ko si Marielle na sobrang daming bitbit na bag na puno ng laruan. Tinawanan ko na lang siya.

“Eh mommy, it was color blue kasi. Blue are for boys right?” Depense naman ng anak kong si Silvius Forrest. Yes, they’re twins.

You can’t imagine how happy and nervous I am nang nalaman kong kambal sila. And just what I have expected, Silvius looked like the younger version of his……father.

“Wag na kayong mag away. Now how about you go change your clothes so that you can eat and then play with your toys?”mabilis pa sa kidlat ay pumasok silang dalawa sa kwarto nila habang sumisigaw.

Lumapit ako kay Marielle at natatawa siyang umiling. “Grabe, ang hyper ng mga anak mo. But I really love them….. Kahit pinabili nila ako ng buong bilihan ng mga laruan, jusko!” Marielle exaggerated and I laughed.

“Thank you so much, Rielle.”

“Ano ka b-“

“No, for everything. Thank you for everything. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala kayo ng pamilya mo.” She looked at me and smiled.

“Eto na naman tayo, iyakan session na naman with Chavelle Quintessa.” Pinunasan niya pa ang pekeng luha sa kanyang mata kaya ay hinampas ko siya.



Nung nalaman kong buntis ako, I immediately regretted na nagpaulan ako. I got sick at natakot ako para sa mga anak ko.

Nang dinala ako ni Marielle sa kanila, Tita Mareth cried when I told them my story. Agad nila akong kinupkop at nang nalaman nilang buntis ako, sobra pa ang pagdiwang nila. I felt so happy. Para akong nabigyan ng ikalawang pamilya.

They hid me from…….Thaeus. Ilang isla na ang napuntahan ko sa Pilipinas dahil sa pagtatago ko. I have nothing to do with him. Ayokong makipagbalikan siya sa akin dahil sa mga bata. Ayoko.

Tita Mareth  and Tito Remus withdrew their investments. Ayaw na nilang mapalapit sa mga Valdero.

Nang nalaman kong kambal ang nasa aking tiyan, Tita Mareth cried so much and was so happy that she threw a party! Binibiro na nga siya ni Marielle na baka daw ay ako na ang maging anak nila.

At nung nanganak na ako, I haven’t paid a single penny. Sila ang gumastos sa lahat and I could never stop thanking them.

Nang lumaki laki na sina Serenity at Forrest, ipinasok nila ako sa kanilang kompanya. I worked hard, hindi na ako tumatanggap ng pera sa kanila dahil nahihiya na ako.

Pa minsan minsan ay nahuhuli ko silang binibilhan ng kung ano ano ang mga bata. Nakapag ipon ako at nakapatayo ako ng isang maliit na restaurant.

Years passed by at nakapatayo na rin ako ng sariling bahay. Hindi matutumbasan ng kung ano ang dugo at pawis ko sa pagtatrabaho.

Yung tumawag kanina ay isa sa mga kasambahay namin. Our house is not that big and not that small either. It’s a little mansion.

I am still working in their company, isa ako sa board. That’s why nandito kami ni Marielle para sa isang meeting.

Lumago din ang restaurant na ipinatayo ko pero hindi ako palaging nandun. Natatakot akong makita siya……alam kong I’m assuming too much pero may posibilidad na pumunta siya doon.

“Tita Rielle! Mommy is nakatulala na naman, is she okay?”napabalik ako sa wisyo nang nagsalita ang anak kong Serenity while eating pasta. Si Forrest ay nakatingin lamang sa amin habang kumain.

“Your Mommy is just thinking how many langaws did she eat today th-aray! “ kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa pinagsasabi niya. Tumawa lang ang mga anak ko.

“I’m done!” biglang sigaw ni Forrest at iniligpit ang pinagkainan. I taught them how to do that kasi ayokong maging dependent sila sa akin. A little putting the plates on the sink won’t hurt right?

Mabilis din na tinapos ni Serenity ang sa kanya pagkatapos ay tumakbo sila patungong living room and the chaos started. Hinalughog nila ang lahat ng laruan na kanilang binili. God, how will we bring this?


Sobrang laki ng mga ngiti nila habang naglalaro. As I stare at them, I can’t help but feel lucky. They are my life.

______________________________

The Billionaire Wants MeWhere stories live. Discover now